Gladys gustong sampalin si Kathryn: 'Parang ang sarap apihin!'

Kathryn gustong sampalin ni Gladys: ‘Parang ang sarap-sarap niyang apihin!’

Ervin Santiago |December 04,2023
facebook
share this

Kathryn gustong sampalin ni Gladys: ‘Parang ang sarap-sarap niyang apihin!’

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 12:30 AM

Gladys gustong sampalin si Kathryn: 'Parang ang sarap-sarap niyang apihin!'

Kathryn Bernardo, Gladys Reyes at Jhassy Busran

KUNG may isang artistang gustung-gustong sampalin ng award-winning actress na si Gladys Reyes, yan ay walang iba kundi si Kathryn Bernardo.

Marami ang nagsasabi na si Gladys ang sumusunod sa mga yapak ng Diamond Star na si Maricel Soriano dahil marami rin ang nangangarap na masampal niya sa teleserye at pelikula.

Isa sa mga baguhang artista ngayon na natupad na ang wish na masampal ni Gladys ay ang award-winning young actress na si Jhassy Busran na nangyari nga sa pelikula nilang “Unspoken Letters”.

Sa naganap na grand mediacon ng “Unspoken Letters” mula sa Utmost Creatives, natanong si Gladys kung anong feeling na bet na bet magpasampal sa kanya ng ilang mga artista, lalo na ang mga baguhan.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

“Super flattered. Saka nakakatuwa po na nakatawid ako sa mga batang henerasyon ngayon, na kilala pa rin nila ako,” pahayag ni Gladys na napapanood ngayon bilang major-major kontrabida sa Kapuso series na “Black Rider.”

May ilang pinagbibigyan ang aktres lalo na kapag nasa mall siya at nilalapitan ng ilang mga shoppers. Pero hindi naman daw niya tinotodo ang pananampal dahil baka mamaga at magdugo raw ang mukha ng mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sino naman sa mga kilalang artista ngayon ang gusto niyang sampalin sakaling mabigyan sila ng chance na makagawa ng isang pelikula o teleserye? Agad na sagot ng premyadong aktres – si Kathryn Bernardo.

Baka Bet Mo: Payo ni Gladys Reyes sa mga misis: ‘Hindi manghuhula ang mga lalaki kaya sabihin natin kung ano talaga ang gusto natin’

Ani Gladys, “Parang ang sarap-sarap apihin ni Kathryn Bernardo because nakita mo ‘yung aura niya, para ring nakikita ko si Judy Ann (Santos) na pag kawawa, kawawa talaga.

“At saka hanga rin ako sa batang ‘yun kung paano humugot ng emosyon,” dugtong ng wifey ni Christopher Roxas.

Anyway, proud na proud naman si Gladys sa bago niyang pelikulang “Unspoken Letters” na isa sa mga hindi napili sa 2023 Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December.

Pero kahit na hindi pinalad na makapasok sa taunang film festival ay nabigyan pa rin sila ng magandang playdate. Showing na ito sa December 13 sa mga sinehan nationwide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Gladys at Jhassy, kasama rin sa “Unspoken Letters” sina Simon Ibarra, Matet de Leon, Deborah Sun, Daria Ramirez, MJ Manuel at Christine Samson at mula sa direksyon nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending