ALAM naman natin na isa sa preeminent role model pagdating sa fashion at pinaka inaabangan tuwing fashion week taon-taon ay si Heart Evangelista.
Bagamat masaya si Heart sa kanyang karera sa fashion industry, aminado rin siya na hindi niya gusto ang pagiging “crab mentality” o utak talangka ng ilang mga Pinoy.
Para sa kaalaman ng marami, ang utak talangka ay ‘yung klase ng ugali ng tao na nais makaangat sa buhay sa pamamagitan ng paghatak sa iba ng pababa.
Anyway, sa isang interview with MEGA editor-in-chief na si Peewee Reyes-Isidro, nagkaroon na ng paglilinaw ang fashion icon tungkol sa tunay niyang nararamdaman pagdating sa ilang local celebrities na tila sumusunod na sa kanyang yapak sa fashion week.
“The truth is, I’m very happy. The only thing I don’t like is some people’s mentality is really messed up,” diretsahang sagot ni Heart.
Paliwanag niya, “Filipino to Filipino, we know the crab mentality exists. When I was doing fashion week, when I was working with other celebrities or influencers from different regions, I never felt like I was in a rat race.”
Kung maaalala, naging tsismis sa social media kamakailan lang na nangamba umano si Heart nang dumalo sa nakaraang Milan Fashion Week ang co-celebrities na sina Pia Wurtzbach at Liza Soberano.
Ngunit pinabulaanan na ito ni Heart at sinabi pa niya na sinusuportahan niya kung sino man ang pumupunta sa event.
Giit ni Heart, “This is just fashion week, guys. This is not like the fight of your life. It’s supposed to be chill, enjoy, and be yourself. I get it, but it gets nasty.”
“I’m here to support whoever goes, but we all have to do it the right way. Like Anne Curtis, for example,” sambit pa niya.
Kwento niya, “She’s really nice. She even said she hoped to see me. I think that’s cute. But I don’t like it when other people are sneaky about it. What’s it like to keep it a secret? Parang may pasabog. It’s just Fashion Week. It’s not a Hollywood movie.”
Binigyang-diin din ng socialite na kailanman ay hindi magiging kompetisyon ang fashion week para sa kanya.
“It’s just the mentality, doon nagkakaiba. For me, it’s never a competition. For others, it’s never a competition. But for some, apparently, it is. And for some, it’s nasty, and I don’t like that vibe,” wika niya.
Ani pa niya, “I’ve been doing it for such a long time. Fashion Week is supposed to be fun.”