Eugene kay Pokwang: ‘Huwag kang sumuko…gusto ko may kasama kang tatanda’

Eugene kay Pokwang: ‘Huwag kang sumuko…gusto ko may kasama kang tatanda’

PHOTO: Instagram/@eugenedomingo_official

MAY payo pagdating sa love ang komedyana na si Eugene Domingo para sa kanyang kaibigan na si Pokwang.

Ito ay huwag sumuko na makakatagpo rin ng “the one” o “Mr. Right” ang batikang aktres.

Kasabay ng pag-promote ng pagbibidahan nilang comedy film na “Becky and Badette,” inusisa sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ang tungkol sa kanilang love life.

Nauna si Pokwang na kung saan ay tinanong siya ni Tito Boy kung kaya niyang mabuhay na walang minamahal na lalaki.

Ang sagot naman agad ng komedyana, “Wala muna. Sinabi ko naman na magfo-focus ako sa negosyo.”

“Magpapayaman muna ako saka ‘yung mga anak ko,” dagdag pa niya.

Baka Bet Mo: Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: ‘Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral’

At dahil tila naging “cold” na si Pokwang na umibig muli, nagbigay na ng payo si Eugene sa kaibigan na mahahanap din nito ang tamang tao na magmamahal sa kanya.

“Ang piece of advice ko lang sa kanya huwag siyang sumuko,” sey niya.

Paliwanag pa niya kay Pokwang, “Kasi hindi naman totoo, ‘yung sinasabi na ‘Kaya ko. Kaya ko ako lang mag-isa.’ Darating at darating ‘yung panahon na ‘yung dalawa mong anak magkakaroon sila ng sarili nilang mga pamilya.” 

“At gusto ko at pati na siguro ng iba mo pang mga kaibigan na may kasama ka din,” sambit pa ni Eugene.

Dagdag pa niya, “Importante din na may kasama kang tatanda. Mag-eenjoy sa buhay sa lahat ng pinagsumikapan mo. Merong totoong magmamahal sayo.”

Kung matatandaang, taong 2021 nang makipaghiwalay si Pokwang sa dating partner na si Lee O’Brian.

Ilan sa mga rason kaya niya ito hiniwalayan at pinalayas sa kanyang bahay ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila na si Malia.

Samantala, si Eugene ay masayang-masaya sa kanyang karelasyon na Italian movie critic na si Danilo Bottoni.

“When Danilo and I first met, walang ayos ang buhok ko, dry na dry. Malungkot, I was just there; Parang lost, but (I was thinking) anyway, I’m here, so I might as well enjoy it. That was my state when he found me,” kwento ng komedyana sa mga nakaraang interview.

Anyway, ang upcoming film na “Becky and Badette” ng dalawang komedyana ay tungkol sa mag-bestfriends na high school students na sumikat matapos gumawa ng kwento tungkol sa dati nilang batchmate.

Read more...