Pamu Pamorada sa mga nagalit kay Sofia Andres: ‘Wala naman siyang ginawa’

Pamu Pamorada sa mga nagalit kay Sofia Andres: ‘Wala naman siyang ginawa’

Pamu Pamorada, Sofia Andres

ISA sa mga nagpahayag ng suporta kay Kathryn Bernardo ay ang kapwa-aktres na si Sofia Andres.

Ilang minuto matapos ang official “breakup” statement ng award-winning actress, nag-post si Sofia sa Instagram Story ng groupie photo nila ni Kath at Alora Sasam.

Kasunod niyan ay ang cryptic post na makikita naman ang litrato ng isang bahay at may nakalagay pang diamond emoji.

Naging usap-usapan ito sa social media at may ilang netizens ang nagalit.

Walang binaggit na pangalan si Sofia, pero may mga naniniwala na ang pinapatamaan daw ng aktres ay si Andrea Brillantes, ang nasangkot umano sa hiwalayan nina Kathryn at Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Advice ni Sharon Cuneta sa KathNiel fans: ‘Do not take sides’

PHOTO: Instagram Story/@iamsofiaandres

Bilang nag-viral na nga ang nasabing post, dinipensahan ng actress-comedienne na si Pamu Pamorada ang kanyang kaibigan na si Sofia.

Ayon pa sa kanyang post, naloloka siya sa mga naging reaksyon ng ilang netizens dahil lamang sa simpleng post ng aktres.

“Mga nagagalit kay Sofia for sure ganun din gawain [emoji]. kalokaa kayo,” wika niya sa X (dating Twitter).

Pagtatanggol pa niya, “I mean bakit kayo nagagalit kay Sofie? To think na wala naman siyang ginawa.”

PHOTO: X/@PamuPamorada08

Kasunod ng viral cryptic post, nag-trending ang ilang solo pictures nina Andrea at Daniel na kung saan ay marami ang nagsasabi na nagkasama ang dalawa sa Spain.

Nang tiningnan ng BANDERA ang mga viral post ng dalawa, 23 weeks ago pa nang nag-post si Andrea, habang si Daniel ay eight weeks ago.

Magugunita na ang Kapamilya young star ang ibinalita ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na patagong kinikita ni Daniel.

Bukod diyan, napansin din ng ilang social media users na naka-unfollow na si Sofia sa Instagram account ni Andrea.

Read more...