Janeena Chan pasabog ang ‘Christmas’-themed wedding, star-studded ang entourage

Janeena Chan pasabog ang ‘Christmas’-themed wedding, star-studded ang entourage

PHOTO: Instagram Stories/@officialtimyap

OPISYAL nang isang misis ang Kapuso actress at content creator na si Janeena Chan!

Ang masayang balita ay ibinandera ng TV host at eventologist na si Tim Yap sa kanyang Instagram kung saan ipinakita niya ang video habang naglalakad si Janeena sa simbahan.

“And @janeenachan walks down the aisle to be Mrs @morgansay [white heart emojis],” caption ni Tim.

Baka Bet Mo: Ken Chan tinraydor: Ang sakit pala kapag ang taong malapit sa ‘yo ay kaya kang siraan, buti na lang talaga…

Maliban diyan ay nag-post din ng ilang updates ang TV host kaugnay sa church wedding ng bagong kasal na sina Janeena at longtime partner na si Morgan Say.

Ginanap ang kanilang wedding sa Sanctuario de San Jose Parish sa Greenhills, Mandaluyong City.

Makikita rin sa IG Stories ng eventologist na star-studded ang mga kabilang sa entourage ng mag-asawa.

Bukod kasi sa kanya, present din ang celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, vlogger na sina Small Laude at Benedict Cua, pati na rin ang film producer na si Annette Gozon Valdes, at ang dermatologist-internet personality na si Aivee Teo.

PHOTO: Instagram Stories/@officialtimyap

Ipinakita rin ni Tim sa kanyang post na bongga ang naging reception ng bagong mag-asawa na kung saan ay nangibabaw ang colors ng green, red at gold dahil sa Christmas-themed nilang wedding.

Noong Nobyembre nang inilabas ng content creator ang prenup video nila ng mister sa pamamagitan ng isang music video para sa kantang “Glittery” by Kacey Musgraves.

Diyan din nabanggit ni Janeena na Pasko ang paboritong season nila ng kanyang asawa.

“Yes, it’s a music video because why not?! Haha! Christmas is our favorite season and this year, we’re coming home to each other,” wika niya sa IG post.

Para sa mga hindi aware, si Janeena at Morgan ay 11 years nang magkarelasyon bago pa ma-engage nitong Pebrero.

Read more...