Michelle pinakalma si Rhian dahil kay Miss Thailand

Michelle pinakalma si Rhian dahil kay Miss Thailand: ‘Sa ‘yo pa rin umuuwi’

Ervin Santiago |November 30,2023
facebook
share this

Michelle pinakalma si Rhian dahil kay Miss Thailand: ‘Sa ‘yo pa rin umuuwi’

Ervin Santiago - November 30, 2023 - 12:10 AM

Michelle pinakalma si Rhian dahil kay Miss Thailand: 'Sa 'yo pa rin umuuwi'

Michelle Dee at Rhian Ramos

BENTANG-BENTA sa mga fans ang bagong paandar ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee tungkol sa “relasyon” nila ni Rhian Ramos.

Sa gitna ng mga panunukso kay Michelle at kay Miss Universe 2023 First Runner-Up Anntonia Porsild mula sa Thailand, humirit ang Kapuso TV host-actress tungkol sa kanyang “wifey.”

In fairness, grabe ang pagsi-ship ng mga Pinoy fans kina Michelle at Antonnia mula nang magtagpo ang landas ng dalawang beauty queen sa naturang international pageant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


At kahit napakainit ng pagtanggap ng mga netizens sa #PorDee tandem, siniguro naman ni Michelle na secured ang kanyang “asawa” at BFF na si Rhian.

“Sa ‘yo pa rin umuuwi,” ang birong paniniyak ni Michelle kay Rhian na ipinost niya sa kanyang X account (dating Twitter).

Ni-repost din ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 ang video kung saan sinagot ni Rhian ang tungkol sa pagli-link sa kanya sa iba’t ibang babae.

“Sabi ko (kay Michelle), ‘girl, babaero ka ba?’ Sabi ko, ‘bat ang daming nali-link sa ‘yo?’” ang tawa nang tawang sambit ni Rhian sa isang panayam.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa hindi iniwan ni Rhian habang nagluluksa sa pagpanaw ng ama; ‘Dear SV’ bagong public service program na may puso

Kasunod ng interview kay Rhian ang video naman nina Michelle at Anntonia kung saan makikita ang closeness ng dalawa kahit pa magkalaban sa sinalihang pageant.

Sa kanyang post, inilagay ni Michelle ang hashtag na #RhiMich, ang pinagsamang pangalan nila ni Rhian.

Matatandaang inamin ni Rhian sa chikahan namin sa presscon ng “Royal Blood” ilang buwan na ngayon ang nakararaan, na two years na silang nagsasama sa iisang bubong ni Michelle pero walang katotohanan ang tsismis na may relasyon sila.

“Actually even before pa naman, starting two years ago, marami na kaming shippers, marami nang nagta-tag sa aming dalawa, nae-edit ‘yung mga videos namin with very romantic music and everything.

“We’ve always found it funny and cute, because ayun nga dahil sa totoong buhay, because we live together, it’s like ‘Oh my God, parang mag-asawa na tayo,’ parang ganu’n.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“That’s why wifey nga and honey ang aming tawagan. But yeah, I’m sorry to disappoint everyone, hanggang ship na lang talaga ‘yan. But she’s a wonderful girl and I’m just happy that everyone is tagging us and supporting her,” paliwanag ni Rhian.

Baka Bet Mo: Rhian ayaw pang mag-asawa kahit 31 na: For me, ang dami ko pang gustong gawin at ma-achieve

Wala rin daw siyang fear na baka maapektuhan ang kanyang image at showbiz career sa mga malilisyosong tsismis sa kanila ni Michelle.

“Hindi naman ako nag-worry. Siguro sanay na rin ako that people have misconceptions all the time and it doesn’t really bother me.

“I think it’s just as long as the people that I’m very close to know who I am then I don’t really worry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang normal naman sa showbiz to have misconceptions and besides I already did a show where mag-partner kami ni Glaiza (de Castro) sa ‘Rich Man’s Daughter’ so even if I never met Michelle, pinaghihinalaan na ako so I’m okay,” paliwanag ni Rhian.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending