Miss Universe Nicaragua national director banned sa sariling bansa

Miss Universe Nicaragua national director banned sa sariling bansa, anyare?

Therese Arceo - November 28, 2023 - 11:50 AM

Miss Universe Nicaragua national director banned sa sariling bansa, anyare?

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios

HINDI pinapasok sa sariling bansa ang Miss Universe Nicaragua national director na si Karen Celebertti kasama ang kanyang anak.

Ayon sa mga ulat, pinagbawalan umano ng Nicaraguan president na si Daniel Ortega na makabalik sa kanilang bansa ang mag-ina matapos ang pagkapanalo ni Sheynnis Palacios sa nagdaang Miss Universe 2023 na ginanap sa El Salvador.

Mula sa airport ng Managua ay pinigilan sina Karen at ang anak nito na makapasok sa kanilang bansa at ibinook sa flight pabalik sa Mexico kung saan gaganapin ang Miss Universe 2024.

Base rin sa mga reports ay hindi raw suportado ng kanilang pamahalaan ang pagsali ni Sheynnis Palacios sa prestihiyosong beauty pageant.

Matatandaang si Sheynnis ang itinanghal na Miss Universe 2023 at ito rin ang kauna-unahang pagkapanalo ng Nicaragua sa naturang beauty pageant.

Bukod pa rito, itinuturing umano si Sheynnis bilang simbolo ng opposition ng pamahalaan ng Nicaragua at bukod pa rito, pinagdududahan umano ang kulay ng kanyang evening gown na puti at asul bilang pagtutol sa pamahalaan.

Baka Bet Mo: TV ni Pia Wurtzbach ‘nagloko’ habang nanonood ng Miss Universe 2023; naniniwalang deserving manalo si Miss Nicaragua

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bukod pa rito ay sinasabing kahawig rin ng gown ng dalaga ang suot ng Birhen ng Immaculada Concepcion na isa sa simbolismo ng simbahang Katoliko na siyang sinusugpo naman umano ng kanilang gobyerno.

Nag-aral rin si Sheynnis sa Central American University na isang Jesuit school na siyang ipinasara ng pamahalaan ng Nicaragua dahil umano sa pagiging “sentro ng terorismo”.

Bukod pa rito, may dalawang visual artists rin ang pinigilang magpinta sa murals bilang tribute sana sa pagkapanalo ni Sheynnis.

Nanawagan naman ang Miss Universe organization sa gobyerno ng Nicaragua na siguraduhin ang kaligtasan ng mga local affiliates ng kanilang beauty pageant.

“We are working to guarantee the safety of all members of the organization, and we call on the government of Nicaragua to guarantee their safety,” ayon sa kanilang pahayag.

Sa ngayon ay nasa New York si Sheynnis kung saan siya titira upang tuparin ang kanyang mga sinumpaaang tungkulin bilang Miss Universe 2023.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, si Karen ay dating finalist ng Miss Universe 1991.

Wala pa namang pahayag sina Karen Celebertti, Sheynnis Palacios, maging ang pamahalaan ng Nicaragua hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending