MMDA: ‘Marked government vehicles’ bawal nang dumaan sa Edsa busway

MMDA: ‘Marked government vehicles’ bawal nang dumaan sa Edsa busway

PHOTO: Courtesy of MMDA Facebook page

HINDI na pwedeng dumaan sa Edsa busway ang “clearly marked government vehicles.”

‘Yan ang insnunyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman na si Romano Artes kamakailan lang sa isang press briefing.

Ayon sa MMDA at base na rin sa existing rules, ang bus carousel lane ay eksklusibo lamang na para sa public utility buses, ambulansya, at marked government vehicles na rumeresponde sa emergencies.

At upang mas mabigyang-linaw ito ay naglabas na rin ng clarification guidelines ang Department of Transportation (DOTr) na kung saan ang bus carousel ay limitado lamang para sa authorized passenger buses, emergency vehicles, and cars used to construct the lane, pati na rin ang mga sasakyan ng top-ranking government officials kabilang na ang President, Vice President, Senate President, House Speaker, at Chief Justice ng Supreme Court.

Baka Bet Mo: Lalaki nagwala sa EDSA Busway Station sa Pasay; napaiyak, nagsumbong…niloko raw ng dyowa

Hindi kabilang sa listahan ang mga sasakyan ng Cabinet officials, senators, at congressmen na may plate numbers na 6, 7, at 8.

Ang mga pagbabagong ito sa guidelines ay matapos maling ibinalita ni MMDA Task Force Special Operations Unit Head Bong Nebrija na ilegal na ginamit ni Senator Bong Revilla ang special bus lane sa Edsa.

Ang mga lalabag sa bagong guidelines ng Edsa carousel lane ay papatawan ng mabigat na parusa.

“Considering that the EDSA Busway is operating under a limited capacity, the Department believes that imposing stiffer penalties would restrict its use to authorized buses and therefore enhancing its mobility and serviceability,” mensahe ni DOTr Jaime Bautista para kay Chairman Artes.

Read more...