Michelle Dee pinagkaguluhan sa NAIA: ‘Feels good to be back home’

Michelle Dee pinagkaguluhan sa NAIA: 'Feels good to be back home'

Michelle Dee

MATAPOS ibandera ang Pilipinas sa katatapos lang na Miss Universe 2023 pageant ay balik-Pilipinas na si Michelle Dee.

Kahit hindi niya naiuwi ang titulo at korona mula sa naturang international beauty contest, nagbubunyi pa rin ang buong sambayanang Pilipino sa kanyang pagbabalik sa bansa.

Umabot si Michelle hanggang sa Top 10 finalists at kinuwestiyon at naging kontrobersyal pa ang pagkalaglag niya sa Top 5 dahil sa pagkakamali ng Miss Universe organizers.

Makalipas ang isang buwang pagkawala sa Pilipinas, dumating na kagabi, November 25, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang dalaga mula sa Los Angeles, U.S.A..

Baka Bet Mo: Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: ‘Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!’

Mismong si Michelle nga ang nag-share ng mga litrato at video kung saan makikitang nagkakagulo ang kanyang mga tagasuporta na talagang sumugod pa sa airport para salubungin at makita siya nang personal.


May isa pa nga kaming nakitang video na pinagkakaguluhan si Michelle mula sa isang sasakyan bitbit ang bandera ng Pilipinas.

Baka Bet Mo: Dawn Zulueta naglabas ng ‘resibo’ na hindi totoong naghiwalay na sila ni Anton Lagdameo

Sa ilang pictures, makikita rin ang nanay ni Michelle na si Miss International 1979 Melanie Marquez, na all-out ang support talaga sa kanyang anak.

“Feels good to be back home (Philippines) with or without the crown, all of you made me feel like I was a winner,” ang caption na inilagay ni Michelle sa kanyang Instagram post.

“Last night was so overwhelming! All I could feel was so much love and support from all of you.

“It was definitely not an easy road to get to this point but everything was well worth it! Madami pa tayo pagdadaanan and I can’t wait to bring you along the ride with me. Mahal na mahal ko kayo #FILIPINAS,” aniya pa.

Hindi man nanalo si Michelle, nakapag-uwi naman siya ng ilang special awards,  kabilang na ang Fan Vote, Spirit of Carnival Award, at National Costume.

Sey pa ni Michelle, napaka-overwhelming ng pagmamahal na natatanggap niya mula sa mga Pinoy, “All I could feel was so much love and support from all of you.

“It was definitely not an easy road to get to this point but everything was well worth it!” aniya pa.

Read more...