‘Mallari’ ni Piolo Pascual lumebel sa ‘Aquaman’, ‘Wonka’

'Mallari' ni Piolo Pascual lumebel sa 'Aquaman', 'Willy Wonka'

Piolo Pascual, Rico Gonzales, Bryan Dy at ang iba pang cast members ng ‘Mallari’

PROUD na proud si Piolo Pascual at ang buong production ng Metro Manila Film Festival 2023 entry na “Mallari” sa pagpasok ng Warner Bros. Pictures sa kanilang proyekto.

Ang Warner Bros. ang magdi-distribute ng “Mallari” sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo, produced by Mentorque Production ni Bryan Dy.

In fairness, magiging ka-level na ng unang horror movie ni Piolo ang Hollywood movies na “Aquaman” at “Willy Wonka” dahil ang Warner Bros. din ang nag-distribute sa mga ito.

Kagabi, nakausap ng ilang members ng media si Piolo sa naganap na presscon at signing ng partnership ng Mentorque at Warner Bros. na pinangunahan ni Bryan Dy at Rico Gonzales.

Tinanong siya kung ano ang feeling na kahilera na ng pelikula nila ang mga Hollywood films, “When I saw the logo of Warner Bros. I was like, ‘Pwede pala, posible pala.’


“I’m really ecstatic, to be given this chance to showcase Philippine Cinema and have Warner Bros. as a parter not only here in the Philippines, but to be shown abroad, malaking responsibility na yung ike-carry mo na yun.

“And at the same time it’s not just an honor but a privilege to be part of something this big, to be tapped by Warner Bros., kasi siyempre brand yan, e. But it just gives a certain sense of international brand to do it. So we’re really happy and honoured to be in this partnership,” sey ni Papa P.

Baka Bet Mo: ‘Aquaman’ may matinding kalaban sa bagong pelikula, magiging kakampi ang kontrabidang kapatid na si ‘Orm’

Nagbigay din ng mensahe si Bryan Dy patungkol sa pakikipagsanib-pwersa ng Warner sa Mentorque, “First of all we would like to thank Metro Manila Film Festival for having Mallari as one of the 10 official entries. Maraming salamat po sa pagkilala sa aming pelikula.

“Ngayong araw ako ay nagpapasalamat na sinamahan niyo kami to witness this historic event as we seal our partnership with the Number 1 Film Distributor in the Philippines, Warner Brothers Pictures with Sir Rico Gonzales.

“Mallari is the first maintstream film to be distributed by Warner Brothers Pictures in the Philippines. May this partnership be  gateway to more collaborations and give more opportunities to the industry. Sir Rico, maraming salamat po sa tiwala. Di ba From the Nun to the Priest now from Valak to Mallari,” mensahe ng batambatang producer.

Patuloy pa niya, “As Mentorque Productions ventured from doing events into producing films. It wasn’t easy. But I am so lucky to meet the right people na nakakahawa ang pagmamahal sa industriyang ito.

“Our country is overflowing of amazing film makers and actors. I am very lucky to bump into some of them. We are very excited na mapanood ng mga kababayan natin ang Mallari.

“Dahil I am proud to say that everyone who worked in this project ay binigay ang lahat. Mentorque Productions just ensured that everyone working on this project will have the best working environment that they would need. Kaya sobrang saya ko ng nakita ko ang aming final product.

Baka Bet Mo: Producer ng ‘Mallari’ pinaghandaan ang talent fee ni Piolo: ‘Hindi na kami nagtangkang tumawad, kasi…’

“Despite facing challenges such as our ability to compete with international films and the rise of digital platforms, the Philippine Film Industry remains resilient and vibrant. Mentorque Productions promised to continue to be concept driven.


“The Philippine Cinema has a rich and diverse history. It is known for its unique storytelling style and has made significant contributions to both regional and international film. Mentorque Productions wish to contribute to our rich and diverse cinematic landscape that continues to captivate audiences both locally and internationally.

“Lagi nating naririnig ang katagang tangkilikin ang sariling atin. Masaya po kaming inihahandog sa inyo ang Mallari dahil hindi lang po ito gawang Pilipino, kundi isang pelikulang maipagmamalaki ng bawat Pilipino,” pahayag pa ni Bryan.

Pahayag naman ni Mr. Gonzales ng Warner, “Here’s to a meaningful partnership between Mentorque Productions and Warner Brothers. This is just a start of many more projects between us.

“May we reap the fruit of our hard earned labor and creative endeavors. and to the brighter future of Philippine moviemaking. Let us raise our glasses for the success of our movie this December, Mallari!” dugtong pa niya.

Showing na sa December 25 ang “Mallari” bilang bahagi ng MMFF 2023. Kasama rin dito sina Elisse Joson, Janella Salvador, Gloria Diaz at marami pang iba, mula sa direksyon ni Derick Cabrido.

Read more...