Pagtulong ni Princess Revilla sa mga Pinoy walang bahid politika

Pagtulong ni Princess Revilla walang bahid politika, hindi nami-miss ang showbiz

Princess Revilla

WALANG bahid politika ang ginagawang pagtulong ng dating aktres at TV host na si Princess Revilla sa mahihirap at nangangailangan nating mga kababayan.

Yan ang siniguro ng isa sa mga anak ng pumanaw na dating Sen. Ramon Revilla, Sr. nang makachikahan namin siya nang personal kamakailan.

Ayon sa dating host ng “GMA Supershow” ni German “Kuya Germs” Moreno, wala siyang kabalak-balak tumakbo sa susunod na eleksyon sa kahit anong posisyon.

Aniya, kahit anong pilit sa kanya ng ilang taong naniniwala sa kanyang kakayahang makapaglingkod sa bayan ay hindi siya natutukso.

Ang ginagawa raw niyang pagtulong sa mga kapuspalad nating kababayan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ay pagpapatuloy lamang sa legacy ng mga magulang na sina ex-Sen. Ramon Revilla, Sr. at Azucena Mortel na isa ring kilalang philanthropist.

“Mahiyain talaga ako kahit noon pa. Kaya hindi talaga ako bagay sa showbiz saka sa politics. Hindi ko rin naman nami-miss ang showbiz.

Baka Bet Mo: Aiko naglabas ng ebidensya laban sa mga kontrabida sa politika: Kayo na po ang humusga

“Simple lang ako. I find happiness in the pursuit of livelihood, cherishing the dignity of work. I derive immense joy from sharing the blessings bestowed by our Creator and lending a helping hand to those in need.

“We are not extravagant or showy, it’s far better to lend a hand to those who need it,” sabi pa ni Princess na bumida noon sa pelikulang “Jessa: Blusang Itim 2” kasama si Gabby Concepcion.


Napanood din siya sa ilang TV show at pelikula kabilang na ang “Balbakwa” na pinagbidahan nina Dolphy, Babalu at Panchito na ipinalabas noong 1989.

Noong 2021, inilunsad ni Princess ang Princess Revilla Foundation, Inc. na layuning makatulong sa mga kababaihan, sa pamamagitan ng mga livelihood programs, gift-giving initiatives, at medical missions.

“As a woman and a mother of three children myself, napakalapit sa puso ko ang kapakanan ng mga kababaihan lalo na ang single mothers.

“Naniniwala ako na ang mga kababaihan ang pinaka-vulnerable na sektor ng lipunan, especially sa panahon ng sakuna kaya sinimulan ko ang pagtulong sa mga kababaihan.

Baka Bet Mo: Allan K: Pag tumulong ka, ibigay mo nang buong-puso, huwag kang mag-expect ng kung anek-anek

“Karapat-dapat lang na sila ay pagtuunan ng pansin sa pamamagitan ng pabibigay tulong at empowerment through support, counseling or life coaching, and more,” sey pa ng kapatid ni Sen. Bong.

Sabi pa ni Princess, “The greatest kindness you can do to the least of our fellow is by helping them to develop their lives.

“I also believe that charity starts with family, so masaya rin ako na natutulungan ko ang iba ko pang mga kapatid ngayon as I promised my father before he passed,” dagdag pa niya.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kick off activity sa pamamagitan ng gift giving at feeding program ang Princess Revilla Foundation para sa may 400 kabataan, na may edad mula 3 hanggang 12 noong October 29, sa Brgy Habay II sa Bacoor City.

Kasama ang kanilang mga magulang, ang mga bata ay nag-enjoy sa mga palaro, gayundin sa mga pagkaing inihanda ng foundation. Namigay rin si Princess ng mga premyo para sa mga batang may pinakamagandang Halloween cosrumes.

Bago inilunsad ang Princess Revilla Foundation, Inc. (PRFI), itinatag muna ng dating aktres ang Azucena Mortel Bautista Memorial Foundation inoong 1999 bilang pagpupugay sa kanyang ina.

Nagsagawa sila ng pagtulong sa mga disaster areas, at nag-sponsor ng mga medical and dental missions, nagbigay ng scholarships para sa mahihirap pero may hangad na makapag-aral, at iba iba pang welfare programs para sa mga kababaihan at mga kabataan, gayundin sa mga hayop at iba pang proyektorng pasngkawanggawa.

Ayon pa kay Princess, ang misyon ng PRFI asy makapagbigay ng mga pangunahing pangangailangan at edukasyon para sa mga komunidad na kulang sa kakayahan upang makapagsimula para sa isang magandang bukas.

Read more...