IWAS na iwas pa rin ang Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu sa isyu ng umano’y paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.
Hindi pa rin diretsahang inamin o dinenay ni Kim kung totoong nag-break na sila ni Xian tulad ng mga naglalabasang chika sa social media.
Sa isang panayam, nakiusap ang dalaga na ibalato na muna sa kanila ni Xian ang tungkol sa balitang nagkanya-kanya na sila ng landas makalipas ang mahigit isang dekadang relasyon.
“Grabe, sa amin na lang ‘yun, we’ll just keep it to ourselves na muna,” ang pahayag ng Kapamilya star sa ulat ng ABS-CBN.
Nakachikahan ng ilang members ng press ang aktres sa ginanap na 25th anniversary fashion show ng Filipino designer na si Francis Libiran last Friday.
Bago ito, dinenay ni Kim na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend matapos mapansin ng mga netizens na napakatagal na nilang hindi nagpo-post ni Xian ng pictures nila together sa socmed.
Baka Bet Mo: Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay…
Ang huling pagkakataon na nagbahagi ang aktres ng mga litrato nila ni Xian sa IG at YouTube ay noon pang July 30, 2023. Ito yung pagbabakasyon nila sa Hong Kong.
Sa IG post ni Kim noong July 16, makikita naman ang sweet moments nila ni Xian habang namamasyal sa Hong Kong. Nagkomento pa rito ang aktor ng, “hala…. parang first week nung nililigawan pa kita.”
Isa pa sa napansin ng mga fans, never daw nag-congratulate si Xian sa matagumpay na serye ni Kim na “Linlang” kung saan nakasama ng aktres sina JM de Guzman at Paulo Avelino na natapos na last week.
Baka Bet Mo: Dennis Padilla super iwas nang makorner ng media sa presscon, ayaw nang sumagot sa mga personal question
Ayon sa ilang netizens, isa si Xian sa mga nauunang bumati kapag may mga bonggang achievements si Kim kaya feeling nila mukhang naghiwalay na ang magdyowa.
Ngunit may mga IG followers naman si Kim na nagsabing baka may pinagdaraanan lamang ang dalawa o posibleng lie low lang sila dahil may kanya-kanya silang bagong projects ngayon.
Pagkatapos ng “Linlang”, bibida uli sina Kim at Paulo sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim?” Habang si Xian naman ay bibida sa upcoming Kapuso series na “Die. Love. Repeat.” kasama si Jennylyn Mercado.
Samantala, nabanggit din ni Kim na wala siyang balak umalis ng Pilipinas ngayong holiday season. Mas gusto raw niyang makasama ang pamilya sa darating na Pasko at Bagong Taon.