Allan K: Pag tumulong ka, ibigay mo nang buong-puso, huwag kang mag-expect ng kung anek-anek | Bandera

Allan K: Pag tumulong ka, ibigay mo nang buong-puso, huwag kang mag-expect ng kung anek-anek

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 10:24 AM

Allan, Tito, Vic & Joey

KUNG may isang mahalagang aral na natutunan ang Kapuso comedian na si Allan K sa ilang taong pagiging Dabarkads, yan ay walang iba kundi ang pagtulong sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit.

Feeling blessed ang komedyante at negosyante na hanggang ngayon ay nasa “Eat Bulaga” pa rin siya at patuloy na nakapagpapasaya at nakakatulong, lalo na sa mga Filipino na nangangailangan.

At isa nga sa mga natutunan niya mula sa longest-running noontime show sa bansa lalo na sa mga hosts nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay ang pagtulong nang buong puso at walang pagkukunwari.

Isa si Allan K sa maituturing na pioneer ng “Eat Bulaga” at napakaswerte niya na kasama pa rin siya sa patuloy na pag-ariba ng programa na magdiriwang na ng 4nd anniversary ngayong taon.
Kamakailan lang ay

Kamakailan lang ay muling nag-renew ng kontrata ang “Eat Bulaga”  sa GMA network upang patuloy na makapagbigay ng kaligayahan at tulong sa kanilang mga loyal viewers.

Dahil dito, halos tatlong dekada na rin ang partnership ng “Eat Bulaga” at ng Kapuso network. At para kay  Allan K, napakalaki ng naging impluwensiya ng programa sa buhay niya lalo na pagdating sa pagtulong.

Sa naganap na virtual contract signing ng GMA at “Eat Bulaga” ibinahagi ng komedyante ang ilang life lesson na baon-baon niya hanggang ngayon mula sa pagiging host ng programa.

“The biggest lesson is yung kapag nagbigay ka sa mga viewers, huwag kang mag-expect ng something in return. Pag nagbigay ka, ibigay mo nang buong puso, huwag kang mag-expect ng kung anek-anek kasi hindi na ‘yun makatotohanan,” pahayag ni Allan K.

Lingid sa kaalaman ng marami, marami ring natutulungan ang Kapuso comedian na hindi na niya ina-announce. Kabilang na riyan ang pagtulong niya sa mga kapwa stand-up performers.

View this post on Instagram

A post shared by @allan_klownz


Sa isang episode nga ng “Bawal Judgemental” nabuking ang pagtulong ni Allan sa kaibigang si Boobay nang isugod ito sa ospital noon.

Sa mga hindi pa aware, nagsimula ang pagiging Dabarkads ni Allan K nang may magtanong na reporter sa isang presscon noon ng “Eat Bulaga.”

“Bago sila lumipat ng Channel 7, nag-press con sila to announce na lilipat na nga sila talaga. Tapos in the course of the press con may isang reporter na nagtanong na tambay ng The Library (comedy bar sa Malate), ‘May bago po ba kayong i-i-introduce na talent?’

“Sabi niya, ‘Narinig niyo na po ba ‘yung Allan K?’ Hindi alam ni Mr. Tuviera ‘yung mga anak niya tambay ng The Library. So ‘yun, that same night after presscon, tinawagan nila ‘yung The Library at nagpunta sila,” kuwento ng komedyante.

https://bandera.inquirer.net/301799/allan-k-sa-yumaong-ina-sana-nandito-ka-pa-para-kung-ano-man-yung-gustuhin-mo-maibibigay-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280982/allan-k-mas-kumapit-pa-kay-lord-nang-bagyuhin-ng-pagsubok-hindi-niya-ako-iniwan
https://bandera.inquirer.net/301202/nadine-lustre-christophe-bariou-nagtulong-para-sa-muling-pagbangon-ng-siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending