Andrea Brillantes wish maging ‘wiser’ sa pagpili ng lalaking mamahalin sa 2024

Andrea Brillantes wish maging 'wiser' sa pagpili ng lalaking mamahalin sa 2024

Andrea Brillantes

INAMIN ng Kapamilya actres na si Andrea Brillantes na isa sa kanyang pangako sa sarili sa darating na 2024 ay ang maging matalino sa pagpili ng taong mamahalin.

Sa kanyang panayam kay Luis Manzano na mapapanood sa YouTube channel ng huli, ay nausisa siya ukol sa mga pinagdaanan sa buhay at kung ano ang naging highlight ng kanyang 2023.

“To be honest, ‘yung heartbreak ko,” diretsahang sagot ni Andrea sa kanyang Kuya Luis.

Ngunit sa kabila naman ng kanyang pinagdaanang heartbreak ay naging swerte naman siya sa ibang aspeto ng kanyang buhay.

“Tinitingnan ko itong 2023 as pinakamalas ko sa pag-ibig romantically, pero pinakamaswerte ko rin sa pag-ibig sa fans, sa friends, sa co-stars ko, sa casual viewers ko, sa management ko,” pagpapatuloy pa ni Andrea.

Kasunod nito ay natanong naman ang dalaga kung ano ang kanyang New Year’s resolution sa 2024.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo sa IG, gantihan na yarn!?

Amin ni Andrea, noon raw ay naniniwala siya sa mga ganito ngunit kalaunan ay na-realize niyang wala namang natutupad sa oanyang mga idineklarang resolutions.

“Enjoy-in na lang ‘yung life talaga.Harapin kung anong kailangan harapin in life. Be brave and have fun lang siguro,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa niya, “Be smart and be wiser in terms of boys.”

Chika ni Andrea, lahat raw ng mga pagsubok sa buhay ay kering-keri niya pero olats ito pagdating sa pag-ibig.

“Magiging honest ako, talagang lahat sa life kaya ko—mapa-financial problems pa ‘yan, kahit sobrang panget na issue pa ‘yan, lahat ng ibabato niyo, kaya ko, walang problema.

“Kahit nga ‘yung iba hindi ko iyakan pero pag sa pag-ibig, ‘yun ang aking kryptonite. Kryptonite ko siya ever since. Do’n ako laging pumapalya,” sey ni Andrea.

Samantala, ibinahagi naman ng “Senior High” star sa kanyang panayam ang mga qualities na hinahanap niya sa susunod na lalaking kanyang mamahalin.

“Loyal, maalaga, gentleman, marespeto, totoong lalaki—’yun na lang hinihingi ko. A real man,” ani Andrea.

Pagpapatuloy niya, “Kasi a real man, I believe, they know how to settle. Alam nila kung paano makuntento sa isa. Gusto ko ng one-woman man. Kumbaga, I don’t want a boy. I want a man. That’s what I need. I need a man.”

Chika pa niya, hindi raw niya kailangan ng taong insecure at ang kailangan niya ay buong-buong lalaki.

Hindi naman kaila sa madlang pipol na naging kontrobersyal ang kanyang huling relasyon sa basketbolistang si Ricci Rivero.

Matatandaang naging magkarelasyon sina Andrea at Ricci noong April 2022 at June 2023 nang kumpirmahin ng binata sa publiko ang kanilang paghihiwalay.

Related Chika:

Ricci Rivero ‘nilaglag’ si Andrea Brillantes, pumupunta sa kanyang condo tuwing madaling araw para makipagbalikan

Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

Read more...