Michelle Dee at Boy Abunda
TOTOONG kinuhang judge ang premyadong TV host na si Boy Abunda sa katatapos lang na Miss Universe 2023 pageant.
Yan ang kinumpirma ni Tito Boy sa “The Talk” segment sa episode kahapon ng kanyang “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan ipinaliwanang niya kung bakit hindi siya natuloy.
Inamin ng Kapuso TV host na na-disqualify siya bilang isa sa mga hurado ng naturang international pageant dahil sa naging interview niya sa pambatong kandidata ng Pilipinas na si Michelle Dee.
“Ako ay naimbitahan, but I was also disqualified from judging this year’s Miss Universe dahil I did an interview with one of the candidates, si Michelle Dee,” ang rebelasyon ni Tito Boy.
“Sa kanilang rules ay bawal (‘yun),” aniya pa.
Matatandaang in-interview ng “Fast Talk” host si Michelle ilang araw bago bumiyahe ang Kapuso star patungong Amerika at El Salvador para sa pagsabak niya sa Miss Universe.
Baka Bet Mo: Hugot ni Juliana Parizcova sa katatapos lang na Miss International Queen 2023: ‘Babawi tayo next year Ate…pangako ‘yan!’
Pag-amin pa ni Tito Boy, “I can imagine how difficult it is to judge, but we’re still very happy, Michelle got to the Top 10.
“We just have a lot of questions, but pagdating ni Michelle dito sana’y magkaroon tayo ng pagkakataong makausap siya nang personal,” sey pa ni Tito Boy.
Sa guesting ni Michelle sa “Fast Talk,” binigyan siya ng mga posibleng ibato sa kanya na mga tanong sa Q&A portion at in fairness, nasagot naman nang bonggang-bonggang ng dalaga ang mga ito.
Umabot hanggang Top 10 si Michelle at nalaglag na nga nang i-announce na ang Top 5. Ang bet ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang kinoronahang Miss Universe 2023.