RUFFA walang sex appeal, ayaw patulan ng mga tibo
Sa ilang araw din naming pagtutok sa It’s Showtime, talagang aliw na aliw kami sa That’s My Tomboy portion ng show. Bukod kasi sa mga mukhang lalaki at ke guguwapo talaga ng mga kalahok, game na game din sila sa mga jokes ng madlang pipol at ng mga hosts.
Tawa kami nang tawa sa dalawang beses na pagkaka-turn down kay Ruffa Gutierrez ng mga kalahok sa That’s My Tomboy dahil mas pinili nila sina Ai Ai delas Alas at Vhong Navarro, if ever daw na papatol sila sa babae o lalaki.
Si Ruffa mismo ang nagtatanong at talagang ganu’n ang isinasagot sa kanya kaya nasabi niyang wala pala siyang “appeal” sa mga tomboy. Ha-hahaha!
Pero ang talagang naging highlight ng show ngayong linggo ay ‘yung performances ng mga hosts para sa kanilang chosen charitable institutions dahil fourth year anniversary na nga nila.
Mula Lunes hanggang Biyernes ay talagang nagpasabog ang mga hosts mula kina Vhong, Jhong, Anne, Vice Ganda, Billy at iba pa. Pinakagusto namin ‘yung kina Anne at Jhong (last Friday) na nagmukhang mga babae at lalaki sa ayos nila lalo pa’t kinarir nila ang pagpapalakas at pagpapaahit Ha-hahaha!
Winner din sa amin ‘yung ginawa nina Billy at papa Vhong (Wednesday) dahil high-tech ang emote nito. Hindi nagpatalbog si Vice Ganda na mahusay din sa kanyang acrobatic.
Naku, for sure, nabaliw ang mga hurado dahil winner lahat ng nag-perform!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.