Kasama si Ninong Ry, na unang nakilala sa kanyang pagluluto ng kung anu-anong putahe sa kanyang YouTube channel, sa horror trilogy na “Shake, Rattle & Roll Extreme” mula sa Regal Entertainment na showing na sa November 29.
Naniniwala ang sikat na vlogger na artista na rin ngayon na wala siyang dapat ipabago sa kanyang itsura dahil minahal at tinanggap naman siya ng sambayanang Filipino sa kung anuman siya.
“Oo, very normal lang. Kaya ayokong magpagupit. Mukhang mabaho, mukhang hindi naliligo.
“May nagsabi sa akin dito sa Regal, hindi ko na sasabihin kung sino, huwag daw akong magpapapayat. Mawawalan daw ako ng career,” aniya.
“Kaya para sa akin, take it or leave it na ito, di ba? Puwede ka namang maging bulky nang konti, pero maganda ang laps mo. Kaya naman yun, e. Kaya naman yun, e, di ba. ‘O, maganda ang laps ko, pre!’
“Marami akong maintenance. Actually, diabetic ako since 18 years old ako. Hereditary pero mas nauna pa akong nagka-diabetes kesa sa tatay ko,” pahayag pa niya.
Nabanggit ni Ninong Ry na may hypertension siya, kaya yung nilalafang daw niya sa kanyang nga vlog, yun na raw ang pagkain niya for the day.
“Matakaw ako, hindi ko ide-deny yon. Hindi ko ide-deny yon. Kalokohan pag sinabi kong hindi ako matakaw! Kalokohan yun! Aaminin ko, matakaw ako.
“Pero at least, very conscious ako sa kinakain ko. For example…pucha, talaga bang sinasabi ko ito? Pero hindi, for example lang, hindi ako nagkakanin talaga. Hindi ako nagkakanin, kasi kabawal-bawalan yun. Kahit ang sarap-sarap talaga ng kanin.
“Quinoa at adlai, yung dalawa. Mas mahirap lang konti na kainin yung adlai. So pag medyo malakas yung mental strength mo sa araw na yun, mag-a-adlai tayo.
“Pero kapag saktu-sakto, quinoa-quinoa lang, ganyan. Tapos, conscious choice lang pagdating sa mga kinakain. Pero again, hindi talaga ako puwedeng pumayat.
“Baka mawalan tayo ng career at ayaw nating isugal yun! Paano naman ang mga anak ko? Gusto ko 10 anak!” sabi pa ni Ninong Ry.