Kaladkaren sa pag-ariba ng transwoman, nanay at plus size: ‘This is what Miss Universe is all about! Hello, inclusivity, hello, Universe!
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kaladkaren
ISA sa mga nagpahayag ng mga positibong komento sa katatapos lang na Miss Universe 2023 ay ang TV host-actress na si Kaladkaren.
Super happy ang impersonator ni Karen Davila sa ipinaglalabang “inclusivity” ng mga organizer ng naturang international pageant lalo na ang pagtanggap sa mga transwoman candidates.
Ayon kay Kaladkaren, napakapowerful ng ginawa ng Miss Universe organizers na buksan ang kanilang beauty contest sa mga transgender woman, plus-sized, Muslim, at mga may anak na.
Sa kanyang Facebook account, ibinandera ni Kaladkaren ang kanyang pagpupugay sa lahat ng taong nasa likod ng Miss Universe pageant.
“Transgender woman (Portugal) plus-sized (Nepal) mother and a wife (Colombia) Muslim (Pakistan) and of course, Philippines in the Top 20!!!!!
“They are all women. And this is what Miss Universe is all about! Hello, inclusivity! Hello, Universe!!!!! #MissUniverse2023,” ang nakasaad sa Facebook post ni KaladKaren.
Sa mga hindi pa aware, isa si KaladKaren sa mga celebrities na nakikipaglaban para sa gender equality bilang proud member ng LGBTQIA+ community.
Gumawa ng kasaysayan sa mundo ng entertainment matapos manalo bilang kauna-unahang transgender woman na nanalo ng “Best Supporting Actress” sa Metro Manila Film Festival Summer Edition.
Siya rin ang kauna-unahang transgender woman na naging news anchor sa isang TV network.
* * *
Inilunsad ng award-winning musical director na si Troy Laureta ang kanyang bagong album na “Dalamhati” na naglalaman ng iba’t ibang original songs at cover ng ilang OPM classics.
Naglalaman ang album ng 24 na awitin kung saan kasama ni Troy ang ilan sa local at international music icons tulad nina Regine Velasquez (“Huwag Mo Kong Iwan”), Ogie Alcasid (“Pangarap Ko’y Ibigin Ka), Jed Madela (The Memory), Loren Alfred at Pia Toscano (“Gusto Ko Nang Bumitaw”), Katharine McPhee-Foster (“Kailan Kaya”), at marami pang iba.
““Being able to collaborate with amazing artists singing our songs will always be one of my greatest accomplishments,” ani Troy sa panibagong pagkakataong mabigyan ng bagong buhay ang gawang OPM.
Ito na ang huling bahagi ng album trilogy ni Troy na sinimulan niya nang inilabas ang unang album na “Kaibigan” noong 2020 at sinundan ng “Giliw” na inilunsad noong 2021.
Tampok sa remake niya ng “Akin Ka Na Lang” na nagsisilbing key track ng album ang singer-songwriter at “American Idol” season 6 winner na si Jordin Sparks. Iprinodyus ito ni Troy habang isinulat naman ni Kikx Salazar ang hugot ballad.
Bago opisyal na ilunsad ang bago niyang album, nagsilbing patikim dito ang kanyang collab kasama si Martin Nievera na “Kay Ganda Ng Ating Musika” na unang inilabas.
Bukod sa pagiging tanyag na musical director, kilala rin si Troy bilang keyboardist at producer ng ilang world-renowned artists tulad nina Ariana Grande, Deborah Cox, Melanie Fiona, Cheesa, Tommy Page, at Iggy Azalea.
Naging mentor din niya ang Canadian musician at composer na si David Foster na naging impluwensiya niya sa kanyang iba’t ibang musical arrangement at production.
Damhin ang nakaantig na boses ni Troy sa kanyang bagong album na “Dalamhati” na napapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms.