Michelle Dee pasok sa Top 20 finalist ng Miss Universe 2023; tuloy pa rin ang laban para sa korona
NAPILI na ang Top 20 finalists sa ginaganap ngayong Miss Universe 2023 pageant sa José Adolfo Pineda Arena sa San Salvador, ang capital ng El Salvador.
Pasok sa susunod na round ang bet ng Pilipinas na si Michelle Dee kasama ang mga kandidata mula sa Nicaragua, Spain, Puerto Rico, Namibia, Venezuela, India, Thailand, Chile, Jamaica at USA.
Tuloy pa rin ang laban sa naturang international pageant ang mga representative mula sa Nepal, Peru, Cameroon, Colombia, Pakistan, Australia, Portugal, South Africa at El Salvador.
Siyempre, nagpiyesta ang mga Filipino pageant fans sa pagkakapasok ni Michelle sa Top 20 at umaasang makakapasok siya hanggang sa Top 3 kung saan pipiliin ang bagong Miss Universe queen.
In fairness, talaga namang kinarir din ng Kapuso actress at beauty queen ang training para sa paglaban niya sa naturang pageant at nangako siya sa sambayanang Filipino na gagawin niya ang lahat para maiuwi ang titulo at korona.
Baka Bet Mo: Michelle Dee nasa El Salvador na, enjoy na enjoy na naki-’mingle’ sa mga kandidata ng Miss Universe
Sabi nga niya pagkatapos ng prelims, “Now, it’s really about enjoying the process and trusting in the training, and let’s see what happens.
“I have been working every single day with my mentors to try and improve, to make sure that I am the best representation of the country that we love.
“Kita n’yo naman prelims pa lang, I really wanted to embody the true essence of being a Filipino and I’m so happy about all the feedback,” aniya.
View this post on Instagram
Ang 20 finalist ay masusuwerteng pinili ng selection committee mula sa naging performance nila sa ginanap na Miss Universe 2023 premilinary competition kung saan rumampa sila para sa Swimsuit at Evening Gown segment.
Baka Bet Mo: Vanessa Hudgens inokray-okray ng netizens matapos sumablay sa pagbati ng ‘Maligayang araw ng kalayaan pilipinas!’
Maglalaban-laban sa next round ng competition ang Top 20 candidates kung saan muli silang rarampa suot ang kanilang mga pasabog na swimwear.
Mula sa 20 kandidata na rumampa sa swimsuit competition pipiliin ang Top 10 finalists na siya namang magpapatalbugan sa Evening Gown portion.
Ang mga personalidad na bumubuo sa selection committee ng Miss Universe pageant this year ay sina Halima Aden, Somali-American model; Mexican singer Mario Bautista; Giselle Blondet, TV host mula Puerto Rico; 1977 Miss Universe Janelle Commissiong mula sa Trinidad and Tobago; American social media personality Avani Gregg.
Nandiyan din sina Carson Kressley, TV personality, actor, at designer mula sa US; Connie Mariano, Filipino-American physician; Miss Universe 2016 Iris Mittenaere mula sa France; Sweta Patel, Roku’s Vice President of Merchandising and Growth Marketing; at Denise White, Miss Oregon 1994 at American businesswoman.
Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023
LIVE UPDATES: Miss Universe 2023
Michelle Dee binigyan ng tips ni Catriona Gray para mas lumakas ang laban sa Miss Universe 2023
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.