Roderick Paulate nanghinayang sa hindi pagkakapasok ng ‘In His Mother’s Eyes’ sa MMFF 2023

Roderick Paulate nanghinayang sa hindi pagkakapasok ng 'In His Mother’s Eyes' sa MMFF2023

Roderick Paulate

INAMIN ng komedyanteng si Roderick Paulate na nalungkot siya nang hindi mapasama ang pelikulang “In His Mother’s Eyes” sa Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula sa Disyembre 25 sa buong bansa.Hindi lang naman si Kuya Dick ang nanghinayang dahil halos lahat din sa entertainment press na nakapanood ng full trailer ng pelikula ni LA Santos at debut film ni FM Reyes bilang direktor mula sa panulat nina Gerry Gracio at Gina Marissa Tagasa mula sa produksyon ng 7K Entertainment ay gandang-ganda sa kabuuan ng pelikula.

“Nalungkot ako because naka-aim kasi daw talaga yung movie para sa MMFF. Kaya lang, ganun talaga ang buhay, e. May natatanggap, merong hindi. May nananalo, may natatalo.

“Parang ganun. So, ang akin, sana kung nakapasok. Pero kung hindi, may ibang plano ang Diyos sa amin. Puwedeng blessing-in-disguise, di ba, itong showing date na napili namin sa 29, e mas makatulong at mas maraming audience,” say ni kuya Dick.

Dagdag pa niya, “Ang akin lang naman, e, basta nandidiyan yung tao. Sana, bumalik na sila, manood na ng mga pelikula. Hindi lang naman yung pelikula namin. Lahat ng pelikulang Pilipino, e, dapat magtulungan tayo, hanggang sa MMFF.”

Baka Bet Mo: Roderick Paulate ipinagtanggol ni Cristy Fermin: Hindi po puwedeng basta na lang siya pagbibintangan ng ganyan!

Halos nasa 70% palang ang mga bumabalik sa sinehan at maging ang foreign films ay piling-pili rin pinapasok ng netizens kasi nga mahal ang bayad sa sinehan.

Kaya dagdag sabi ng aktor,“sana, ‘yung sampung pelikulang yun ay maging successful at panoorin lahat ng mga mamamayan. Kasi, bukod sa pagiging artista, hindi lang po yun ang mahal ko. Mahal ko po ang industriyang ito. Mahal ko ang pelikulang Pilipino.

“E, wala pong ibang tutulong sa amin kundi kayo din po, kaya sana ibalik ninyo ang pagmamahal nyo at suporta sa lahat ng pelikula. Kaya lang, simulan niyo po sa November 29.”

Samantala, titigil muna si kuya Dick sa politika at ang showbiz muna ang paglalaanan niya ng panahon dahil ito naman daw talaga ang mundo niya.

“Ito ‘yung forever na love ko. Pwede kong iwanan ang politics pero hindi ko pwedeng iwanan ang showbiz. Dito na ako lumaki. Mahal na mahal ko ‘to,” diretsong sabi ng aktor pagkatapos ng mediacon na ginanap sa Oriental Restaurant sa may Tomas Morato, QC.

Anyway, kasama rin sa “In His Mother’s Eyes” sina Ms Maricel Soriano, Maila Gumila, Ogie Diaz, Ruby Ruiz, Elyson de Dios, Vivoree, Reign Parani, Rochelle Pangilinan, Inah Evans at Bong Gonzales.

Related Chika:

Roderick Paulate tried and tested na ang friendship kay Maricel Soriano: Ilalaban ako n’yan!

Roderick hindi nakulong matapos masangkot sa isyu ng ‘ghost employees’, ‘unfair’ daw ang pagbabalita sa kaso

Read more...