Michelle Dee mahina ang natanggap na palakpakan at sigawan sa Miss Universe 2023 prelims: ‘But we’ll always have the STRONGEST BAYANIHAN SPIRIT!’

Michelle Dee mahina ang natanggap na palakpakan at sigawan sa Miss Universe 2023 prelims: 'But we’ll always have the STRONGEST BAYANIHAN SPIRIT!'

Michelle Dee

MARAMING pageant fans ang nakapansin na hindi masyadong pangmalakasan ang palakpakan at sigawan ng audience para kay Michelle Dee sa ginanap na preliminary competition ng Miss Universe 2023.

May mga netizens na nagsabing tila kinulang sa bilang ang mga tagasuporta ni Michelle sa loob ng José Adolfo Pineda Arena sa San Salvador, El Salvador.

Wala raw kasi silang narinig na malalakas na hiyawan at palakpakan nang rumampa ang pambato ng Pilipinas sa naganap na prelims ng naturang international pageant.

Ngunit sa kabila nito, mukhang hindi naman affected si Michelle at nagpahiwatig na nananatili pa rin ang kanyang kumpiyansa sa sarili kahit hindi nakakabingi ang palakpakan at hiwayan ng audience sa kanya.


Sa kanyang recent Instagram post, sinabi ni Michelle na aware siya sa isyung ito at ibinahagi nga ang  screenshot ng naging komento niya about it.

Humiling siya ng dasal sa lahat ng kanyang supporters para sa magaganap na grand coronation night bukas ng umaga.

Baka Bet Mo: David Licauco dumami ang batang fans dahil sa ‘Maria Clara at Ibarra’: Kaya hindi na muna pwede yung hubad-hubad’

Sabi ni Michelle, “‘That feeling’ I wait for every time I compete…. it’s here.

“Will need all of your prayers for tomorrow. #LABANPILIPINAS!

“We may not have the loudest cheers at the venue tomorrow but we’ll always have the STRONGEST AND MOST UNITED BAYANIHAN SPIRIT. (Philippine flags emojis) mahal ko kayo,” aniya pa.

Nasanay kasi ang mga pageant fans na palaging malakas ang palakpak at pag-cheer sa bet ng Pilipinas kahit sa prelims pa lamang ng Miss Universe.


Pero pagtanggol ng ilang vloggers, kumpara sa iba pang naging venue ng pageant, mas kaunti raw ang mga Pinoy sa El Salvador kaya huwag na raw magtaka kung kaunti lang ang nag-clap kay Michelle.

At in fairness, kahit talo ang dalaga sa lakas ng palakpakan at sigawan, naging top performer pa rin siya sa naganap na prelims. Sa katunayan, kasama siya lagi sa top picks ng mga pageant experts na nagsasabing pwede niyang makuha ang korona.

Baka Bet Mo: Dingdong tumatakbo noon nang naka-adult diaper, military boots: Talagang pagtitripan ka!

Pero sey ni Michelle sa isang panayam, “I’m never over-confident. I never wanna say I’m the winner until the crown is on my head. Of course, I’m just so happy that all of that hard work is being validated, of course, it’s months on end.

“And my goal was really not to overhype myself, but to let that work speak for itself. And that has been showing. My team is so happy, the Philippines is so happy. At the end of the day, that’s all I want,” sabi pa ng aktres at beauty queen.

Pag-amin pa niya, “I am nervous, but that’s always an amazing thing. I am nervous. Essentially, you just want destiny to take its course.

“I trust my training, I trust my preparations, I am sure it’ll be a good night for the Philippines,” sabi ni Michelle Dee.

Stay tuned para sa real-time ganaps mula sa Miss Universe 2023

LIVE UPDATES: Miss Universe 2023

Read more...