Anak ni Kitkat na si Baby Uno walang yaya, kumikita na sa edad 1; dating producer dinala sa Pinas ang matagumpay na negosyo sa Japan
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kitkat, Baby Uno Asher at Dahlia Flores kasama ang kanyang pamilya
IN FAIRNESS, sa edad na 1 year old, ibinandera ng TV host-comedienne na si Kitkat na kumikita na rin ang kanyang anak na si Baby Uno.
Super proud na ibinalita sa amin ng komedyana at singer na may mga endorsement na rin ang panganay na anak nila ni Walby Favia kaya naman feeling lucky and blessed ang kanilang family.
“May endorsement na si Baby Uno, diaper. Kaya pinagkakakitaan ko na siya! Ha-hahaha! Kaya gagawa pa kami ni Papa Walby (ng another baby) para mas maraming pagkakitaan!” ang tawa nang tawang biro ni Kitkat nang makachikahan namin siya sa ribbon cutting ng Sakura Lounge PH na pag-aari ng kaibigang niyang si Dahlia Flores.
Pero seryosong sabi ni Kitkat, kahit one year old pa lang si Baby Uno ay gusto na nila itong sundan agad ni Papa Walby dahil enjoy na enjoy sila sa pagiging hands-on parents, sa kabila ng kakambal nitong hirap at challenges.
“Marami akong isinakripisyo kay Baby Uno pero sulit naman dahil napakabibo at gusto naming sundan siya agad. Pero mukhang hindi pa mangyayari yan ngayon dahil nga medyo marami pang kailangang i-prioritize,” ani Kitkat.
Knows n’yo ba na walang yaya at kasambahay sina Kitkat at Walby? Yes, naghahati sila sa mga gawaing bahay at iba pang kailangang asikasuhin sa kanilang pamilya.
Ayon sa singer-comedienne, may trust issues kasi silang mag-asawa dahil sa dami ng mga nangyayaring hindi maganda sa kapaligiran kaya might as well, mag-double effort na lang sila sa sa pag-aasikaso kay Baby Uno.
Nagpapasalamat din ang aktres na kahit hands on mommy siya at nagpapa-breast feed pa, ay may mga taong nagtitiwala pa rin na nagbibigay sa kanya ng pagkakakitaan at mga bonggang karaketan.
“Pagkatapos kong manganak may mga bago na naman agad akong kita. Ha-hahaha! Bukod sa pinagkakakitaan ko na ang anak ko. Ha-hahaha! Hindi kasi, itong Sakura, kaibigan ko ang may-ari, family talaga kami.
“Kaya kahit hindi niya ako bayaran, okay lang. Isa kasi ako sa nagbuyo sa kanya (Dahlia) na magtuloy sa ganitong business, may ganito rin kasi siyang business sa Japan.
“Dati may iba siyang shop na franchise and noong nag-end ang contract binubuyo ko na siya na dalhin na ‘yung shop niyang ganito rin na nasa Japan dito sa Pilipinas. Bale ako ang endorser ng nails service niya.
“Noong may franchise siya pigil siya siyempre kung ano lang ang rule ng company iyon lang, this time gusto kong ma-feel niya na sa kanya ito, kahit anong gawin niya pwede. Kasi sobrang hands on ‘yan, eh. Kahit taga-Japan siya ginagawa niyang Cubao ang Pilipinas para lang maasikaso niya ito at saka siya mismo ang gumagawa.
“At dahil magaling siya at sobrang ginalingan niya, lagi siyang hinahanap. Eh ganoon din sa Japan siya rin ang hinahanap. Kaya pabalik-balik siya,” kuwento pa ni Kitkat.
“First in the Philippines itong mga services at produkto na ginagawa rito sa Sakura. At kung ano ang mayroon sa Japan dinadala niya rito, tulad nitong powder dip nail extension na forte niya talaga at inaral niya talaga sa Japan.
“Then ‘yung mga ginagamit niya rito direct from Japan talaga kaya quality. Alam naman natin kapag galing Japan maganda talaga,” sabi pa ni Kitkat na more than a month bago nawawala o natatanggal ang nail extension na ipinagagawa niya.
“At sabi ng ibang shop kapag ginupit mo ang nail extension natatanggal mag-isa, ang sa akin hindi ang tibay ako na talaga ang sumuko. Parang fresh pa nga noong ginupit ko, alam mong quality. Iyon naman ang sinasabi niya na quality at affordable,” pagmamalaki ng komedyana.
Matatawag na one stop beauty shop ang salon niya sa Japan dahil kumpleto ito sa services from lashes to nails to facial, massage etc. Kaya naman marami rin siyang parokyanong Japanese, Filipino at iba’t ibang lahi na bumabalik-balik at naging suki na lalo pa’t mahilig magpaganda.
At kahit marami ring beauty aesthetics na nagsusulputan lamang si Dahlia sa kanila dahil direct from Japan ang mga produktong ginagamit niya plus mas mababa pa ang presyo.
Sa pagbubukas ng sariling aesthetics, proud si Dahlia sa kanyang achievements, “Sobrang saya, finally kasi kapag sarili mo ng branch, lahat pwede mo nang magawa. Lahat ng napag-aralan ko sa Japan pwede ko nang ipasok dito ng wala akong inaalala.
“Like lashes, eyebrow lift kasi wala sila niyon (dating franchise company), nag-aral din ako ng eyebrow lift sa Japan iyong itinataas ang kilay. Ito iyong permanente na one month na nakataas ang kilay, nail piercing na pinag-aralan ko rin sa Japan. Ito iyong mga advantage na kaya kong gawin sa sarili kong beauty salon,” aniya pa.
Ngayong araw, November 17 ang kanilang grand opening na open from Tuesday to Sunday.
Samantala, sa tanong kung bakit si Kitkat ang napili niyang maging celebrity endorser, “Unang-una she’s a good friend of mine way back pa ang aming friendship. Ako rin ang producer ng musical play na ‘D.O.M. (Dirty Old Musical) nila before. And ambassador siya before niyong beauty shop na nag-franchise ako,” ani Dahlia.
“Kaya kapag nandito ako sa Pilipinas nagmi-meet kami at kapag nagpupunta siya ng Japan nagkikita kami at ninang ako ng anak niyang si Baby Uno,” pagbabahagi pa ni Dahlia.
Twenty years na sa Japan si Dahlia na bukod sa beauty lounge ay may iba pang negosyo. Pero dahil love niya ang Pilipinas, dinala rin niya ang negosyong alam niyang maraming Pinoy ang maiinlab at matutulungan para lalong gumanda.
“At kapag naging successful talagang gusto kong mag-branch out pa kung saan talaga pwede. At kahit maraming kapareho ng aming beauty salon, tiwala ako na tatangkilikin kami dahil sa quality ng aming produkto at quality ng aming gawa.
“Kahit kasi anong ganda ng shop pero yung quality kung hindi mo nami-meet, hindi balance. Kaya para sa akin doon ako nagpo-focus sa quality, sa gawa, sa services at kung paano nila mahalin.
“Hindi rin masyadong pricey ang mga services namin, sakto lang. At alam ko rin naman ang ang presyuhan talaga. Actually kaya kong magmahal pero hindi lang iyon ang focus ko, ang gusto ko high quality at the same time babalik at babalik ang client,” pahayag pa ni Dahlia.