Kitkat nakipagsagutan sa basher: Ako na pinagmumura, pinagduduro...ako pa may attitude? | Bandera

Kitkat nakipagsagutan sa basher: Ako na pinagmumura, pinagduduro…ako pa may attitude?

Ervin Santiago |March 14,2021
facebook
share this

Kitkat nakipagsagutan sa basher: Ako na pinagmumura, pinagduduro…ako pa may attitude?

Ervin Santiago - March 14, 2021 - 12:25 PM

NAKIPAGSAGUTAN ang TV host-comedienne na si Kitkat sa isang netizen na nag-comment na naman ng kanegahan tungkol sa kanya.

Sinabihan kasi siya ng basher na meron siyang “attitude” kaya tuluyan na siyang sinibak sa variety show na “Happy Time” at hindi na pinabalik pa ng management.

Sa Facebook page ng Net25, may naka-post na, “Kung nanood kayo ng #HappyTime kanina, sino ang bagong makakasama nina Anjo Yllana, CJ Hirro, at Boobsie Wonderland simula Lunes, Marso 15, sa mas pinakwelang noontime show ng #NET25?”

May mga sumagot na si Dingdong Avanzado na nga ang bagong co-host sa show kapalit nina Janno Gibbs at Kitkat. Ilang netizens naman ang nagsabi na ibalik na sana si Kitkat sa programa.

At dito na nga nagkomento ang netizen na may attitude raw kasi si Kitkat kaya hindi na ito makakabalik sa noontime show ng Net25 matapos nga ang kontrobersyal na away nila ni Janno sa taping.

Hindi naman pinalampas ni Kitkat ang pangnenega sa kanya ng basher at talagang pinatulan niya ito.

Bwelta ng komedyana, “Ako na pinagmumumura ng P.I, pinagdududuro, pinagsisigawan sa mic at harap ng marami tao at pagtapos nagtuloy ng show mag isa ako pa may attitude??? Babae ka? Kung babae ka wag sana mangyari sayo or sa anak or pamilya mong babae.

“Kung lalaki ka naman, patol ka talaga sa babae at bata? Well Godbless… i pray na hindi nyo maranasan ang sinapit ko.

“And by the way nagtetherapy ako ngayon sa trauma na sinapit ko… 6 months akong nagtitiis sa co host ko kung di ako malakas baka nabaliw na ako ng tuluyan. Watch ur words di moko kilala!” ang chika pa ni Kitkat.

Reply naman sa kanya ng netizen, “Un ang news po, sana nkabalik kapa kung wla k ksalanan watch your words also.”

Hirit uli ni Kitkat, “Wala akong sinabing masama ano iwawatch ko sa words ko?? Ikaw ang nagsalita na ‘MAY ATTITUDE’ ako.

“Basa ka din ng maigi sino ang biktima. Gaya ng sabi ko marami at lahat nakita ang pangyayari and naka taped din yun and even marco sison sya mismo ang saksi.

“Ang sinasabi ko wag ka po nagsasabi ng may attitude ang tao kung di mo kilala at di mo alam ang pangyayari.

“Pangalawa po, babae ka man or lalaki lahat ng ginawa sa akin i dont think itotolerate ng kahit sinong nasa tama ang isip… ingat po.”

Hindi pa rin nagpaawat ang netizen at sumagot pa uli, “Nangyari n NGA po un db pinag ayos n kayo pero nag post kpa Sa social media Sa tingin mo Tama un.”

Banat naman ng komedyana, “Hindi po ako nagpost. Nagpatawad po ako, yun ang huli kong post at ipinagpaalam ko yun at pinayagan ako…kasinungalingan lahat ng sinabi nyang nagpost pa ako after ng pinag ayos kami. pagka ayos namin ipinaalam ko na magpopost ako ng pagpapatawad at ok na ok daw un.

“Nagwala nanaman sya nung nagpatawad ako. Di ko alam kung iba ibang words ang naiisip nya sa ‘pagpapatawad’ para magwala sya… wala na rin nakakaalam kung pano sya mag isip.

“Ung huling statement ko ang basahin mo para maliwanagan ka… bakit may magnanakaw o kriminal bang umamin sa kasalanan nya? Syempre wala di ba? Ingat po at Godbless. Again sana di nyo maranasan ang naranasan ko,” aniya pa.

Kung matatandaan, ni-repost din ni Kitkat ang huling statement niya sa Facebook na naging dahilan para magwala umani si Janno. Narito ang nasabing FB post.

“Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo.

“Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad… makakagaan sa aking buhay at loob.

“Opo sa lahat ng nangyari, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA. thank YOU LORD for the strength.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending