NAGING usap-usapan kamakailan lang ang pagiging snob umano ng aktres na si Jane De Leon.
Kumalat kasi sa social media ang isang video ni Jane kung saan ay tila hindi niya pinapansin ang kanyang fans sa naganap na red carpet premiere ng pelikulang “Five Breakups and a Romance” na pinagbibidahan nina Julia Montes at Alden Richards.
Sa naging interview ng ABS-CBN, sinabi ni Jane na “edited” ang video at hindi ipinakita ang buong pangyayari.
“First of all, introvert ako,” sagot niya matapos tanungin tungkol sa nabanggit na isyu.
Sey pa niya, “‘Yung kumalat kasi hindi ‘yun ‘yung full na nangyari so they thought na snob ako.”
“Hindi nila alam na pumunta ako sa fans. I have that video,” ani niya.
Kasunod niyan ay nagpaalala siya sa publiko na huwag basta-basta naniniwala sa mga nakikita sa social media.
Baka Bet Mo: Jane de Leon may 3 aktor na naging dyowa: ‘Lahat secret, wala talagang nakaalam kahit sa mga friends ko’
“Sabi ko nga, don’t believe everything you see on social media, kasi hindi nila alam ine-edit out,” mensahe niya.
Sambit pa niya, “Hindi nila alam ‘yung totoong ginagawa ng mga artista. Nakaka-sad lang na hindi nila nakikita ‘yung totoong gestures or pakikisama [dahil na-e-edit].”
Tila tinawanan nalang din ng aktres ang naging isyu sa kanya dahil marami naman daw ang nakakita kung ano ang totoo niyang ginawa sa nasabing event.
“Natatawa ako kasi they know what I did ‘nung premiere night,” tugon niya.
Saad pa niya, “Nakihalubilo ako sa fans and naghintay kami kasi mayroon pang mga artista na ini-interview sa taas.”
“Nakipag-interact naman kami ‘nun,” giit niya.
Sa huli ay pinasalamatan ni Jane ang kanyang fans dahil talagang dinidepensahan siya ng mga ito sa mga taong sinisiraan siya.
“Hindi ko kailangang mag-adjust because this is me,” sey niya.
Patuloy niya, “I know myself. Marami namang nakakaalaam na introvert ako. Hindi naman nire-reason out ‘yung pagiging introvert.”
“I love my fans so much and they know that,” wika niya.
Aniya pa, “That’s why sobrang na-appreciate ko how they protect me and kung paano nila ako mahalin at alam nila ang istorya na hindi ko na kailangang i-defend ang sarili ko.”
Related Chika:
Jane de Leon nag-sorry sa mga fans; kakaririn ang pagda-drums, martial arts at pagmo-motor