Christian Bables feeling ‘nabudol’ sa unang heartbreak; nagkadyowa ng flight attendant: ‘Inalagaan niya ako, para siyang sugar mommy’

Christian Bables feeling 'nabudol' sa unang heartbreak; nagkadyowa ng flight attendant: 'Inalagaan niya ako, para siyang sugar mommy'

Christian Bables

IN FAIRNESS, ang daming rebelasyon ni Christian Babies nang humarap siya sa presscon ng kanilang 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Broken Hearts Trip.”

Matapos siyang magwagi bilang Best Actor sa MMFF 2021 para sa pelikula niyang “Big Night”, nagbabalik-muli sa tauranga film festival si Christian para sa isa na namang LGBTQIA+ film, ang “Broken Hearts Trip” mula sa BMC Films at Smart Films.

Sa kuwento ng pelikula, si Christian ang gaganap na host at judge ng isang reality travel show tampok ang buhay ng limang brokenhearted LGBTQ individuals.


“I’ll be playing the character of Alfred, ang host ako ng Broken Hearts Trip. Ako ang tutulong sa ating mga contestants hanapin yung healing na hinahanap nila. Kaya without me knowing na ako pala ang naghahanap ng healing na yun sa bandang huli,” pagbabahagi ni Christian sa mediacon ng kanilang movie.

Sa isang bahagi nga ng presscon ay nai-share ng aktor ang ilan sa mga naranasang heartbreak noong kabataan niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan.

Baka Bet Mo: LGBTQ movie na ‘Broken Hearts Trip’ nina Christian, Jaclyn, Petite at Iyah Mina may karapatang makapasok sa 2023 MMFF: ‘Bigyan n’yo naman ng chance’

“Naku, sa sobrang daming heartbreaks, hindi ako maka-pinpoint. ‘Yung first nu’ng high school. Nagpaligaw siya tapos sabi niya bibigyan niya ako ng sagot kapag prom na.

“Binibitbit ko ‘yung mga gamit niya, binibilhan ko siya sa bunwich sa Dunkin’ Donuts tuwing hapon,” pag-alala ng binata.

Pagpapatuloy pa niya, “Hinahatid ko siya sa kanila. Tapos nu’ng prom na, eh di sabi niya sa akin may sagot na daw siya. Sinagot na niya ako ng ‘No.’ Ang tagal niya akong hinayaang gawin ‘yun so hanggang ngayon gamit ko siya sa acting. Kasi nare-relive ko yung pain.

“Maybe because it was my first time to really fall in love? Ayun. Kaya medyo wala na pero pag gusto ko balikan ‘yung thing na yun, kaya pa. Andito pa siya. Pero nu’ng high school pa yun,” aniya pa.

Pero una niyang naranasan ang totoong pagmamahal ay noong bago siya pumasok sa showbiz – na-in love siya sa isang flight attendant.

“Sobrang broke pa ako nu’n. As in hindi pa ako artista. Parang ipinaramdam niya sa akin ‘yung totoong meaning ng love na siguro during that time ‘yun ‘yung totoong love for me.

“Kasi iba na ngayon. During that time parang gusto kong makaalis sa bahay. Tapos parang ‘yung taong ‘yun ‘yung nagparamdam, quote unquote, ng totoong pagmamahal for me at that time,” kuwento pa Christian.

Baka Bet Mo: Gabbi Garcia aminadong nag-alala sa kanyang ‘solo trip’ sa Japan, pero…

“Inalagaan niya ako parang baby, sugar mommy, parang ganu’n. Kasi wala akong trabaho, siya may trabaho. Tapos sabi ko, ‘kapag naging artista ako bilhin ko sa ‘yo lahat, ganito ganyan.’


“Tapos umabot sa point na hinatid niya ako sa MRT, nag-taxi kaming dalawa. Tapos meron siyang dalang paper bag na merong Ferrero na pa-heart na mga chocolates tapos sabi ko, ‘Para saan ito?’ Sabi niya, ‘Last na natin itong pagkikita.’

“Inamin niya sa akin kung bakit. Kasi meron siyang boyfriend na hindi niya maiwan. It turns out ako pala yung other man, boy, kasi boy pa ako at that time. Hindi pa ako man.

“Sakit nu’n. Dapat bababa akong Bacoor, umabot ako sa Dasma kakaiyak sa bus. I learned na don’t settle for less. Kapag red flag na, ‘wag na. Kasi para kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa ulo mo,” ang nakakaloka pang rebelasyon ni Christian.

Samantala, kasama rin ni Christian sa “Broken Hearts Trip” sina Teejay Marquez, Iyah Mina, Andoy Ranay at Petite.

Ito’y mula sa panulat ni Archie Del Mundo and produced by Benjie Cabrera, Omar Tolentino, Power Up Workpool Inc., BMC Films, at Smart Films at showing na sa December 25.

Read more...