Herlene umaming nasasaktan noon kapag tinatawag na Hipon Girl: Tinatanong ko rin ang sarili ko, ‘Ganu’n ba ako kapangit?’

Herlene umaming nasasaktan noon kapag tinatawag na Hipon Girl: Tinatanong ko rin ang sarili ko, ‘Ganu'n ba ako kapangit?’

Maxine Medina, Boy Abunda at Herlene Budol

NAHE-HURT at affected noon ang Kapuso actress at TV host na si Herlene Budol kapag tinatawag siyang “Hipon Girl“.

Aminado ang “Magandang Dilag” lead star na parang nao-offend siya kapag ikinakabit sa pangalan niya ang bansag na “Hipon Girl” lalo na ng mga taong feeling perfect at feeling walang kapintasan sa katawan.

Ngunit ayon sa dalaga, unti-unti rin niyang natanggap ang nasabing titulo nang ma-realize niyang magagamit niya ito sa pagtupad sa kanyang mga pangarap.

In fairness, mukhang nakalimutan na nga ng mga tao ang kanyang pagiging “Hipon Girl” dahil mas kilala na siya ngayon ng publiko bilang “Magandang Dilag” dahil nga sa tagumpay ng kanyang afternoon series sa GMA.

Sa nakaraang guesting ni Herlene sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Huwebes, inusisa ni Tito Boy ang aktres kung may sama ba siya ng loob sa pagtawag sa kanya noon ng “Hipon Girl.”

“Noong una po oo. Parang hindi naman deserve ng tumawag sa akin, ha?” simulang tugon ni Herlene.

“Nagtatanong din ako sa sarili ko, ‘Ganoon ba ako kapangit?’ Pero lately po noong napagkakakitaan ko na siya, ‘Ay, I love ‘Hipon,”’ paliwanag pa niya.

Baka Bet Mo: Herlene Budol bawal pang makipag-kissing scene: Hindi pa ako masyadong marunong mag-toothbrush!

Malayu-layo na rin ang narating ng showbiz career ni Herlene dahil mula sa pagiging beauconera (laging sumasali sa beauty contest), naging co-host na siya ni Willie Revillame noon sa “Wowowin.”

Itinanghal pa siyang first runner-up with seven special awards nang rumampa sa Binibining Pilipinas 2022. Bukod dito, kinoronahan din siyang Miss Tourism Philippines sa Miss Grand Philippines 2023.

At ngayon nga ay bidang-bida na rin sa kanyang launching series sa GMA 7 na “Magandang Dilag” kasama sina Rob Gomez at Benjamin Alves.

Patuloy pang chika ni Herlene tungkol sa pagiging leading lady, “Tsaka ang natutunan ko rito noong tinatawag na akong ‘Magandang Dilag,’ doon ko naramdaman ulit ‘yung respeto.


“Tapos ngayon, Hipon turned to ‘Magandang Dilag,’ na-boost ulit ‘yung confidence ko na, puwede palang magbago ang isang bagay,” aniya pa.

Naglabas din si Tito Boy ng kanyang saloobin sa pagtawag noon ng Hipon Girl kay Herlene.

“Hindi magandang pakinggan kasi ‘yung ‘hipon’ kasi itinatapon ang ulo. When I saw you I said ‘You are beautiful,’” ayon sa King of Talk.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinagot si Paolo ukol sa ‘Fake Bulaga’: Sa isip ng ating mga kababayan, mayroong orihinal na Eat Bulaga

“Yes she is!” ang pagsang-ayon naman ng co-star ni Herlene sa “Magandang Dilag” na si Maxine Medina, na nakasama ng TV host-actress sa naturang episode ng “Fast Talk.”

Sa isang panayam namin kay Herlene noon ay sinabi niyang hindi niya tatanggalin sa name niya ang Hipon Girl, “Hindi ko aalisin yun, ‘no! I love hipon. Pero ngayon, nagsasawa na ako sa pagkaing hipon, e.

“Dati, favorite ko na yun, e. Wala, e! Ikaw ba naman, since 2018, lahat ng pinupuntahan ko ipinapakain sa akin lagi, hipon. Lahat ng klase. Kaya siguro ngayon, isa-isa na lang, ganyan. Dati, patay-gutom ako sa ganyan, e! Oo!

“Hindi ko iwawala sa buong buhay ko ang pagiging Hipon Girl. Pag nagpapakilala nga ako, e, kahit maghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene Hipon Budol po ang sasabihin ko.

“Herlene Hipon Nicole Budol. O, di ba, ang dami? Shout out nga pala sa mga ka-Squammy, Hiponatics, mga ka-Budol diyan!

“Hindi ko siya wawalain, kasi, du’n ako, e. Du’n ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, mas iniaangat ng Panginoong Maykapal,” aniya pa.

Read more...