Anne super proud sa pagiging game nina Ogie at Ryan sa kanilang ‘Magpasikat 2023’ pasabog: ‘Our presentation was simple and calm but…’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Ogie Alcasid, Anne Curtis at Ryan Bang
NAGING emosyonal si Anne Curtis nang magbahagi ng kanyang mensahe sa madlang pipol tungkol sa naganap na “Magpasikat 2023” anniversary special ng “It’s Showtime” last week.
Nag-post ang Kapamilya actress at TV host sa kanyang Instagram ng isang short video clip kung saan mapapanood ang ilang ganap sa matapos ang kanilang production number para sa “Magpasikat”.
Sabi ni Anne sa caption, “Once a year for the past 14 years, we challenge ourselves to step out of our comfort zone and put together a ‘Magpasikat’ performance to celebrate our Showtime Anniversary.
“This year, it hit differently as we really wanted our message to go beyond competing against one another but instead encouraging everyone to pray for one another. To pray for healing,” ang mensahe pa ng aktres.
Kasama ni Anne sa kanyang team sina Ogie Alcasid at Ryan Bang at sila nga ang itinanghal na second place sa “Magpasikat” ngayong taon.
Pagpapatuloy ni Anne, “So proud of TEAM ARO! Our presentation was simple and calm but with a very meaningful message.
“Placing was just a cherry on top of it all! Salamat sa mga hurado! And huge THANK YOU to my team mates kuya @ogiealcasid @ryanbang for being so game! Being the stunt queen of showtime super kayo game gawin kahit ano!” aniya pa.
Pinuri rin ng celebrity mom ang kagrupo niyang sina Ogie at Ryan na talagang kinarir ang kanilang performance.
“Ryan Galing mo sobra! So proud you got to show a different side of you. A handsome, talented and serious performer!
“Kuya Ogie nilaban mo ang fear of heights with (literally) flying colours. Maraming Salamat po for the beautiful song ‘Let’s Pray for healing’ grabe. It was the core message of our performance!” sey pa ni Anne.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng taong tumulong sa kanila, kabilang na ang mga special guests para mabuo ang ang production number na ipinanglaban nila.
“MARAMING SALAMAT for joining forces with us to encourage the madlang people! To our director @jonmoll and the whole showtime staff behind the camera, we love you and appreciate you so much!
“To my fellow showtime hosts, congratulations to us all! I love you all so much!
“How will we top this year kaya? Hahaha! Happy 14th anniversary my dearest ‘It’s Showtime’ family and our beloved madlang people!” dugtong pang mensahe ni Anne.