Elizabeth Oropesa sinermunan ang mga kabataang walang galang sa magulang: ‘Kasi kapag nawala na sila, wala na’

Elizabeth Oropesa sinermunan ang mga kabataang walang galang sa magulang: 'Kasi kapag nawala na sila, wala na'

Elizabeth Oropesa

SINERMUNAN ng premyadong aktres na si Elizabeth Oropesa ang ilang kabataang hindi na marunong rumespeto at gumalang sa kanilang mga magulang.

Naglitanya si Elizabeth na kilala rin sa tawag na La Oro nang ma-interview siya ng kapwa aktres na si Snooky Serna para sa YouTube channel nito.

Ipinaalala ng veteran actress sa lahat ng mga anak na mahalin at igalang ang kanilang ama’t ina sa lahat ng pagkakataon dahil utang nating lahat ang ating buhay sa kanila.

“Para sa mga kabataan ngayon na hindi na kasing-galang noon, gusto ko lang sanang malaman ninyo kung gaano kahalaga ang magulang.

“Kahit anong sabihin, kahit maraming mali, igalang ninyo ang inyong magulang lalo na ang ina,” ang bahagi ng pahayag ni Elizabeth.


Katwiran niya, “Kasi kapag nawala ‘yan, wala na. Maski na anong gawin ninyong sabihing ‘I love you’ kung patay na, patay na.

“Bigyan n’yo ng pagpapahalaga kahit na millennial kayo, kahit ‘yung ngayong generation kayo, igalang ninyo, pakinggan ninyo ‘yung magulang ninyo ‘pag kinakausap kayo,” ang payo pa ni La Oro sa lahat ng mga anak.

Sabi pa niya, napakalaki na raw ng ipinagbago sa ugali at pananaw ng mga kabataan ngayon, lalo na pagdating sa pagtrato sa magulang at mga nakatatanda.

Baka Bet Mo: Elizabeth Oropesa umiiyak na nanawagan kay Bongbong Marcos: ‘Hindi mo kami kaaway, kakampi mo kami’

Hindi rin niya maintindihan kung bakit karamihan sa mga bata ngayon na kapag kinakausap ay ni hindi man lang tumitingin sa nagsasalita at talagang mas nakatutok sa kanilang mga cellphone at iba pang gadgets.

Sumang-ayon naman si Snooky sa mga sinabi ni Elizabeth at paalala rin niya sa lahat, “Let it not be too late for you to not realize.”

* * *

Inilalarawan ng Kapamilya singer-actor na si KD Estrada kung paano niya nakakalimutan ang mga problema kapag kasama ang minamahal sa buhay sa kanyang bagong single na “Be With U.”

Siya mismo ang sumulat ng upbeat na awitin habang iprinodyus naman ito ni Star Pop label head na si Roque “Rox” Santos.

Tuloy-tuloy na si KD sa pagpapamalas ng kanyang talento sa musika pagkatapos maging celebrity housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10,” Binigyang buhay niya ng iba’t ibang soundtrack ng Kapamilya teleserye tulad ng “Mahal Ba Kita?” mula sa web series na “Bola Bola” at “Dreams Don’t Wait” mula sa primetime series na “Marry Me, Marry You.”


Nitong Mayo, inilabas ni KD ang awitin na “Love Led Us Here” na umani ng 280,000 streams sa Spotify habang napasama naman ang latest single na “Be With U” sa Spotify New Music Friday Philippines playlist.

Bilang aktor, ipinakita ni KD ang galing niya sa pag-arte nang bumida siya sa iWantTFC series na “Unloving You” at “Bola Bola” at sa musical play na “Walang Aray.”

Kasalukuyan siyang napapanood bilang Elon sa afternoon serye na “Pira-Pirasong Paraiso” kasama ang on-screen partner na si Alexa Ilacad.

Damhin ang matamis na mensahe ni KD sa “Be With U” na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. Para sa ibang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok.

Read more...