Kitkat napahiya, nabastos sa ginawa ni Janno: Hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo
Tinanggal na sila ni Janno Gibbs bilang host ng noontime show na umeere sa NET 25 produced ng Eagle Broadcasting Corporation.
Kaya nagulat ang TV host-comedienne kung bakit biglaan gayung nagkaroon na ng pag-uusap sa pagitan nila nina Janno at ng NET 25 management.
Pagdating ng bahay ay nag-post siya na okay na sila at NAGPATAWAD na siya, pero hindi ito nagustuhan ni Janno at sinagot ang post ni Kitkat na hindi niya iti nagustuhan.
Sa madaling salita may sagutang nangyari sa pagitan ng dalawang host ng “Happy Time” sa kani-kanilang social media account bagay na hindi nagustuhan ng NET 25 management.
Nang makausap namin si Kitkat sa kanilang restaurant sa Cubao ay pilit pa rin niyang iniintindi kung bakit bigla siyang tinanggal. Bago pa sila nagharap ni Janno noong Martes ay nagpapaalam na siya sa show dahil gusto na niyang magpahinga pero hindi siya pinayagan at mag-ayos na lang daw sila.
Anyway, ang official statement ni Kitkat na ibinigay niya sa amin ay ipinost din niya sa kanyang Facebook page ngayong araw. Narito ang kabuuan nito.
“Ginawa ko po ang dapat gawin. Sinabi ko lang ang totoong nangyari at bugso ng damdamin ko dahil nabastos ako.
“Pinili kong huwag nang ilabas ang ibang nangyari off-cam.
“Opo, inaamin ko yung pinakauna kong statement right after ng nangyari ang lahat na ipina-delete rin agad sa akin ng mga taong itinuturing kong dapat kong pakinggan.
“Dala na rin siguro ng bugso ng damdamin at kahihiyang inabot ko, kaya normal lang sa isang babaing tulad ko na napahiya at nabastos ang maglabas ng sama ng loob. Pero wala akong sinabi na hindi totoo.
“Natanggal ako sa afternoon show namin, sa dahilang di ko naiintindihan. Malamang dahil mas madali ang walang panigan kesa madamay pa ang hindi dapat nadadamay. Naiintindihan ko naman.
“Provoked? We were playing games, of course, asaran is part of the play. But ang mamahiya, mambara, magsalita ng kung ano ano at mambastos sa taong nagsasalita at ‘yung magwawala ka were not part of the game.
“Play. Naglalaro tayo, Naglalaro.
“Napikon ka. ‘Yan ang nangyari. Ako ang dapat napikon, pero hinayaan ko lang na madurog ako, mapahiya kahit di ko deserve dahil kailangan kong magpaka-professional sa harap ng camera.
“Pinagmumura mo ako sa harap ng maraming tao. Dinuro-duro. Pinahiya.
“Bigyan mo ng dahilan ang ginawa mo. Pahabain mo pa itong usapin na ito, isa lang ‘yan, hindi ka marunong rumespeto sa kapwa mo. ‘Wag nang dahil babae ako, luma na yan. Pagkatao na lang.
“Wag mo naman pong palabasin na kasalanan ko dahil you were ‘provoked.’
“Sukatin mo ang sinabi ko sa reaksyon mo nu’ng oras na ‘yun, timbangin mo. Sa sinabi ko ba, nagkaron ka na ng karapatan pagmumurahin ako na parang sinira ko ang buhay mo?
“Alam mo ang ginawa mo at ang nangyari. Kung papano mo makikita ‘yan, ikaw at sarili mo na lang ang makakaalam. Maraming nakakita, nakapanood at alam ang totoong nangyari. Ibibigay ko na ‘yan sa katotohanan. Wala nang silbing ilaban ko pa sa iyo ‘yan.
“Parehas tayong nawalan sa pangyayaring ito. Good luck sa atin pareho. Kung ano man ang nasabi ko na hindi mo nagustuhan at tingin mo e naging right mo sa mga ginawa sa akin, I apologize kung paanong napatawad na rin kita.
“Sa management, respeto at pagmamahal pa din po ang deserve nyo. Mahal na mahal ko po kayo lahat dyan.
“But the decision to take me out wasn’t fair but I will take it. You should’ve just given me the dignity of letting me go when I asked to resign. But you opted to remove me after we had a talk and when all was supposedly ironed out already.
“Nagpaalam po ako na magpo-post ng pagpapatawad, and ‘yun ang last post ko as in last, dahil getting ready na ako pumasok kinabukasan nang magaan ang loob nang dahil sa pagpapatawad na inayunan po ninyo.
“At the end of the day, no matter what happened, we all know the truth about the whole issue. The real truth.
“Salamat po sa lahat, NET 25, sa mga natutunan at mga opportunities po, at sa mga naka-trabaho ko. Mahal ko po kayo with so much respect.
“Malungkot man ang pagtatapos na ito, tuloy ang pag-ikot ng mundo, tuloy ang pag-ikot ng buhay at tuloy lang ang buhay nating lahat.
“This is the LAST time I am going to talk about this. Maraming Salamat po.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.