Ogie Diaz nagpakumbaba: ‘Kung na-offend man ‘yung iba sa aming ibinabalita, in general po ito ha, kami po ay humihingi ng sorry’

Ogie Diaz nagpakumbaba: 'Kung na-offend man ‘yung iba sa aming ibinabalita, in general po ito ha, kami po ay humihingi ng sorry'

Ogie Diaz

NAGPAKUMBABA ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz at nanghingi ng paumanhin sa lahat ng mga celebrities na na-offend sa mga isyu na kanilang ibinabalita.

Ayon kay Papa O, totoong maraming bumabatikos sa kanya ngayon at sa YouTube channel niyang “Showbiz Updates” dahil sa tinatalakay nilang mga maiinit na balita at kontrobersya.

Ang iba pa nga raw na fans at netizens ay below the belt na ang mga tirada lalo na kapag nakakanti nila ang ilang celebrities na iniidolo at sinusuportahan nila.

Pero ayon kay Papa O, so far naman daw ay wala pa siyang nakakaalitan at nakakasagutang artista sa kabila ng mga isyung tinatalakay nila.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates”, tinanong ng kanyang co-host na si Mama Loi si Ogie kung may nagalit nang artista sa kanya dahil sa mga ibinabalita nila.

Baka Bet Mo: Vice tapang-tapangan lang, sey ni Cristy Fermin: ‘Kung dudukutin po natin ang puso niya nandu’n po ‘yung pag-aalala at pagdadala ng problema’

“Wala. Wala pa, so far,” ang sagot ng vlogger.

Kamakailan lamang ay na-bash si Papa O nang bonggang-bongga matapos ibalita ang umano’y palihim na pagkikita nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes, na isa raw sa mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina DJ at Kathryn Bernardo.

Nilinaw naman agad ni Ogie na hindi sa kanya galing ang balita kaya nga may disclaimer agad siya na hindi pa ito confirmed at sana nga ay hindi ito totoo. Tinalakan din niya ang ilang fans na tumawag sa kanya ng “fake news peddlers.”


Kasunod nito, nagsalita nga uli si Ogie sa “Showbiz Updates” at humingi ng paumanhin sa lahat ng mga celebrities na na-hurt sa mga balita nila.

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie hindi raw nainis nang tawaging ‘artistang matanda’, may galit kaya kay Alex Gonzaga?

“Kung na-offend man ‘yung iba sa aming mga ibinabalita rito, sa pangkalahatan po, ha, in general, kami po ay humihingi ng sorry. Sa mga artista po, na feeling nila na-offend namin sila, sorry po,” ang mensahe ni Papa O.

Nauna rito, nag-post din ang talent manager sa Facebook tungkol sa mga natatanggap niyang mensahe mula sa bashers.

Post ni Papa O, “’Pinagkakakitaan n’yo ang buhay ng mga artista! Galing sa tsismis ang ipinangkakain nyo sa pamilya nyo!

“Tongue enuh netong mga ‘to! Ganyan silang mga delulu fans pag ayaw nila ng balita mo tungkol sa idol nila.

“Pero pag pinuri-puri mo naman ang mga idol nila, di naman nila naiisip na galing sa tsismis ang ikinabubuhay namin. Kung minsan, ‘Magkano ibinayad sa ‘yo para purihin sila?’

“Queen ina n’yo, saan pa namin ilalagay ang sarili namin, dahil di namin kayo ma-spelling?” ang mariing punto ni Ogie Diaz.

Read more...