Hot topic ngayon sa social media ang pagiging cover girl ni Kathryn ng November 2023 issue ng Preview Magazine.
Makikita rito ang girlfriend ni Daniel Padilla suot ang kanyang red heart-shaped bra at black and white pants kung saan konting kibot na lang niya ay maghe-hello na ang kanyang boobs.
Ibinandera rin ni Kath sa nasabing pictorial ang kanyang short hairdo na naging issue rin sa ilang netizens na nagsabing hindi nila masyadong bet ang bagong itsura ng dalaga.
Umani na ng libu-libong likes and shares ang mga latest photos at videos ni Kathryn pero iba-iba nga ang naging pagtanggap dito ng madlang pipol.
May mga humanga sa tapang ni Kath na magpaka-daring sa kanyang latest photoshoot pero meron ding na-shock at na-turn off sa kanyang ginawa.
“She’s a full-grown woman. She’s not afraid of going out of her shell. She’s executing new things in her craft. That’s the new Kathryn Bernardo.”
“Mga tao talaga may masabi lang noh? Rebellious era agad? Nasa legal na edad na yan mga mema hindi na yan bata si Kathryn.”
“Her body, her rules. You don’t get to decide what’s healthy or not for her.”
“Mas maganda talaga sya sa long hair. Mas labas yung natural beauty nya di ba?”
“So thin.. Mas ok pa rin ang chubby.”
“All i can say is “TIME is always be the ultimate TRUTH teller.”
“Parang gusto niya patunayan mas magaling mga possing nya kay blythe hahaahha… may pinagdadaanan to parang c nadine dati.”
“She’s showing how affected she is! Na hindi dapat.”
“I don’t understand what she is trying to prove. I miss the simple Kath.”
“Disente ang dating mo sa akin..pero ngayon nagbago ka!”
“Ganon Kasi ang fashion nga ibang bansa kakaina ang taste sa make ups at damitan. that’s why ganyan. Khit nmn I bash sya Jan milyon ang kontrata nyan. Pag matanda n sya Hindi naman na sya macocover sa mga ganyan, kaya habang bata pa for the go! May Pera Jan.”
“Why gone bad? Nothing wrong when you change your lifestyle like this.”
“Mabuti nman pumayag si Daniel na mag suot sya ng ganyang style.”
Matatandaang sa isang panayam, nagpaliwanag ang Outstanding Asian Star awardee tungkol sa paggawa niya ng isang dark movie na “A Very Good Girl” with internationally-acclaimed actress Dolly de Leon.
“It just so happened na iba na ngayon. Nandito tayo sa transition era. People now are very smart when it comes to watching a movie, and kailangan bigyan mo sila ng material na worth their time and money.
“And I think, the creatives, nagkaroon sila ng more freedom to do these things, because ’yun ‘yung gusto din ng tao ngayon,” aniya pa.