Heart binalikan ang ginawang sexy pictorial: Hirap kumita...I can't believe I did this | Bandera

Heart binalikan ang ginawang sexy pictorial: Hirap kumita…I can’t believe I did this

Ervin Santiago | March 19,2021 - 09:36 AM

MAY mga desisyon noon sa buhay si Heart Evangelista na labag sa kanyang kalooban pero hindi raw niya pinagsisisihan na ginawa niya ang mga ito.

Sa katunayan, nagpapasalamat pa siya sa lahat ng naging hamon at pagsubok na hinarap niya noong kabataan niya dahil mas pinatapang at pinatatag siya ng mga ito.

At dahil din sa mga pinagdaanan niyang “struggles” sa buhay, nagawa niyang ipaglaban ang kanyang pagmamahal para sa asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram stories, sunud-sunod ang ipinost niyang  throwback photos, kabilang na ang screenshot ng kanyang 2013 interview tungkol sa pagtataboy sa kanya ng pamilya nang dahil kay Chiz.

Ani Heart, nang mapanood niya uli ang nasabing panayam agad niyang hinanap ang mga luma niyang litrato na magpapatunay kung paano nilabanan ang mga challenges na dumating sa buhay niya habang ipinaglalaban si Chiz.

Wala raw nakakaalam noon kung gaano katindi ang mga pinagdaraanan niya ngunit proud siya sa kanyang sarili na nalagpasan niya ang lahat ng ito.

“People may say this and that because they only see the ‘finished product’ but nobody knows what you had to go through to be where you are so cheers to life!” ang bahagi ng caption ni Heart sa nasabing IG post.

Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang ilan niyang sexy photos mula sa ginawa niyang pictorial noon para sa isa niyang endorsement.

Sa isang picture kung saan nakasuot siya ng bra at denim shorts, sinabi ni Heart na halatang “uncomfortable” at “stressed” ang itsura niya “with sad eyes”. Sey niya sa caption, “Literally wanted to cry here!”

“Hirap kumita,” ang caption naman niya sa isa pang photo suot ang black underwear, stockings at heels. Para pa rin ito sa inendorso niya noong liquor brand at aniya hindi siya makapaniwalang nagawa niya ang mga pictorial na yun.

Nag-post din siya ng litrato nila ni Chiz sa kanyang IG Stories at sinabing isa ang gobernardor sa itinuturing niyang “biggest blessing” na dumating sa buhay niya.

“So glad for all my heartaches and sacrifices in the past—made me strong enough to fight for you,” sabi ni Heart.

Last month, nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang 6th wedding anniversary. Matatandaang hindi dumalo ang parents ni Heart sa kasal nila noong 2015 ngunit nagpadala ng sulat ang tatay ng aktres.

Nangako ito na siya mismo ang pupunta sa anak kapag napatunayan niyang nirerespeto at mahal talaga siya ni Chiz.

Samantala, sa ginawa namang question and answer session ni Heart sa IG sinagot niya ang tanong ng isang fan na, “How do you reinvent yourself?”

“A lot of people asked me if I have a PR company or someone that manages my ‘branding’ but I just got older. I just got comfortable with me being me. Unapologetic about ‘me.

“I think being in showbiz for almost 24 years and experiencing a lot of let downs, you get tired of thinking what else can I do for people to like me… you can’t.

“I am not for everyone. I am aware not a lot of people like me [or] get me and I’m finally fine with that as long as I know what’s in my heart. I am at peace now with who I am. So, I guess that’s how it all started to change,” tugon ni Heart.