Tom Rodriguez magbabalik na sa Pilipinas, may kontrata pa sa GMA-7

Tom Rodriguez magbabalik na sa Pilipinas, may kontrata pa sa GMA-7

Tom Rodriguez

MATAPOS ang ilang taong paninirahan sa ibang bansa ay muli nang magbabalik sa Pilipinas ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Ang magandang balita ay masayang inilahad ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kanyang entertainment show na “Cristy Ferminute” kasama si Rommel Chika.

Lahad ng kolumnista, mayroon pang kasalukuyang kontrata si Tom sa kanyang home network, ang GMA-7.

Sey ni Rommel, sana nga raw ay bumalik ka ang aktor sa bansa para makagawa pa ng mga proyekto dahil sayang naman ang galing nito sa pag-arte.

“Panahon na para ‘ika nga siguro ni Tom ay gamitin niya ang panahon para siya naman ay makapagtrabaho. May kontrata pa siya eh, sa GMA 7.

Kailangan niyang tapusin ‘yung kontrata na ‘yun. Hindi puwedeng basta na lang tayong tatalikod sa isang kontrata,” pagbabahagi ni Cristy.

Baka Bet Mo: Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: ‘Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace’

 

At kung ano man daw ang mangyari sa pag-uwi ni Tom ay bahala na sila ng dating asawang si Carla Abellana.

Matatandaang ikinasal ang dalawa matapos ang kanilang pitong taong relasyon noong October 2021.

Makalipas ang ilang buwan buhat nang magpakasal ang sina Tom at Carla ay umugong ang balitang fila hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng madlang pipol na hindi na sila naka-follow sa isa’t isa at hindi na rin nakikita ng kanyang viewers sa vlog na suot niya ang kanilang wedding ring.

Samantala, nagdesisyon naman ang Kapuso actor na pumunta sa Amerika noong March 2022 dahil sa nangyari sa kanilang pagpapakasal ng aktres.

Related Chika:

PJ Abellana saksi sa matinding sakit na pinagdaanan ni Tom matapos hiwalayan ni Carla; nanindigang hindi bading ang aktor

Tom Rodriguez naisip noon na tapusin ang buhay: I thought that was the only way out

Read more...