PJ Abellana saksi sa matinding sakit na pinagdaanan ni Tom matapos hiwalayan ni Carla; nanindigang hindi bading ang aktor | Bandera

PJ Abellana saksi sa matinding sakit na pinagdaanan ni Tom matapos hiwalayan ni Carla; nanindigang hindi bading ang aktor

Reggee Bonoan - October 22, 2023 - 09:40 AM

PJ Abellana saksi sa matinding sakit na pinagdaanan ni Tom matapos hiwalayan ni Carla; nanindigang hindi bading ang aktor

Rey ‘PJ’ Abellana, Carla Abellana at Tom Rodriguez

SA IKALAWANG bahagi ng panayam ni Morly Alinio sa ama ni Carla Abellana na si Rey “PJ” Abellana ay inamin nitong sa kanila pumupunta lagi si Tom Rodriguez noong nagkahiwalay sila ng aktres para malibang at may makausap.

Sa YouTube channel ni Morly na “Ito ang Tondo” na in-upload nitong Biyernes ay nakuwento ni Rey na madalas sa bahay niya ang ex-husband ng anak para mag-videoke at aliwin ang sarili.

“Kasi wala siyang pamilya rito na matatakbuhan para sa mga problema niya, ang nanay niya nasa Amerika (at) mga kapatid niya. He was all alone here at kami itinuring namin siyang pamilya.

“Nililibang namin pinakakanta namin siya sa taas (entertainment room) sa karaoke at hindi mo na maawat nalalaspag na ‘yung boses niya kaya tinitimplahan ko na ng turmeric.

“Kanta pa rin siya nang kanta, nililibang niya ang sarili parang wala sa tamang (wisyo) si Tom kasi nga problemado siya sa kanila ni Carla,” pagdedetalye ng aktor.

Natanong ni Morly ang tungkol sa sexual preference ni Tom na iniisyu ng iba, “Yang gender issue ay walang katotohanan ‘yan hindi magiging boyfriend ng anak ko ‘yan for more than 7 years kung may problema ‘yan.

Baka Bet Mo: Carla naimbiyerna kay PJ Abellana nang dahil sa ‘one-night stand’ chika kay Tom: She was questioning me why…

“Kung may posibilidad ang isyu na ‘yan, e, sa tingin ng lahat hindi mapapansin ‘yan ng anak ko more than 7 years na relasyon nila. Sa tingin ninyo hindi ba masisilip o malalaman o madidiskubre ng anak ko ‘yan?

“Hindi ako naniniwala umabot sila sa kasalan kung may gender isyu, hindi ‘yan aabot sa kasalan. Kung kinasal man sila hindi siguro ‘yan ang dahilan para magkahiwalay sila,” esplika ni Rey.

Tungkol naman sa malaking halaga ng pera ang isa sa dahilan ng paghihiwalay nina Tom at Carla, totoo ba?

“In a way naikuwento ni Tom sa akin ‘yan na may money matters na naloko siya ng isang kaibigan. Ako kasi hindi ako materialistic, pera…bagay lang ‘yan. Kung pera ang dahilan ng paghihiwalay nila ay hindi malaking isyu ‘yan,” diin ng ama ni Carla.

Tanong ulit ni Morly kung hindi gender at pera ay ano ang matinding dahilan at nauwi sa hiwalayan ang mag-asawang Tom at Carla.

“Sabihin natin sa isang garapon na unti-unting nagkakalaman ng mga problema, e, baka umapaw na sa halu-halong problema na umiiral sa kanila (Carla at Tom), sumuko na ‘yung sarili.

“Kada tao kasi may limitasyon sa sarili kahit na anong edad ang pinag-uusapan diyan ay may limitasyon pa rin ‘yung tao, so, nagkaubusan ng pasensya at pang-unawa.

“Maaaring umabot na sumuko ‘yung isa dahil napuno na di kayang ituloy ang sarili sa mga problemang naipon at umapaw,” paniniwala ni Rey.

Aniya pa, hindi ang manugang niya ang umapaw dahil hindi naman ito ang nakipaghiwalay kundi ang anak niyang si Carla.

“So, si Carla ang napuno?” balik-tanong ni Morly.

“Maaari, kasi hindi naman si Tom ang lumabas sa relasyon o sa kasal, eh kundi ‘yung babae, ‘yung anak ko, si Carla.

“Kaya nga si Tom nagpunta sa akin nagpapatulong na i-patch up silang dalawa ni Carla, nagpapatulong si Tom na tulungan kong magbalikan silang mag-asawa.

“Kaya ang sabi ko, sabihin mo ang totoo,  ang side mo sa akin tungkol sa isyu ng hiwalayan ninyo. At ano ang cause ng hiwalayan at ayaw na sa kanya ng anak ko.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin umalma nang magalit si Carla sa ama: Huwag n’yong sisihin si PJ Abellana!

“Then nagkuwento siya ng side niya at ang sabi ko ang next move ko ay kailangan ko ring marinig ang side ng aking anak, kaso hindi kaya ‘yan ang naging problema.

“Never kong narinig ang side ng aking anak kaya hindi ako makagawa ng next move na  nagpupumilit ako whichever way para makatulong ako sa kanila kaya hindi ako nagkaroon ng chance hangga’t hindi ko naririnig ang panig ng aking anak,” mahabang paliwanag ng ama ng aktres.

Pero mukhang huli na dahil pumirma na si Tom ng divorce paper at pinalalaya na niya si Carla pero kinakailangang umuwi ng Pilipinas ang aktor dahil may mga papeles din siyang kailangang ayusin dito para sa annulment na isinampa ni Carla.

Inamin din ni Rey na galit sa kanya ang ina ni Carla o ex-wife ni Rey, ang dating aktres na si si Gng. Rea Reyes, dahil nga nauna siyang magsalita noon tungkol sa hiwalayan nina Tom at Carla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko sinisisi ang mga galit sa akin kasi kanya-kanyang interpretasyon ‘yan,” saad ni Rey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending