No.1 spot target ng RED LIONS | Bandera

No.1 spot target ng RED LIONS

Mike Lee - October 26, 2013 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. EAC vs Mapua
6 p.m. San Beda vs
Arellano
Team Standings: *San Beda (14-3); *Letran (14-4); **Perpetual Help (11-7); **San Sebastian (11-7); EAC (9-8); Arellano (8-9); Lyceum (8-10); JRU (6-12); St. Benilde (5-13); Mapua (2-15)
*Twice-to-beat sa semis
**Pasok sa Final Four

ILAGAY ang sarili bilang number one matapos ang double round elimination ang tangka ngayon ng San Beda College Red Lions sa pagharap sa Arellano University Chiefs sa pagpapatuloy ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Ito na lamang ang magbibigay-kulay sa huling laro sa unang yugto ng kompetisyon sa pinakamatandang collegiate league sa bansa matapos kumpletuhin na ng San Sebastian College Stags ang apat na koponang uusad para sa Final Four.

Ang Emilio Aguinaldo College Generals ay mapapalaban sa Mapua Cardinals sa unang laro sa ganap na alas-4 ng hapon pero wala ng saysay ang makukuhang panalo dahil naka-11 panalo na ang Stags.

Tiyak pa ring pupukpok ang General para makuha ang panalo at lagyan ng kinang ang magandang kampanya sa taong ito.
Nasa unang puwesto ang Red Lions sa 14-3 baraha at kung manalo sila sa Chiefs sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi ay hahawakan na nila ang number one seeding sa Final Four.

Ngunit kung matalo sila, makakatabla ng San Beda ang Letran na nasa ikalawang puwesto sa 14-4 karta at mangangailangan ng playoff para madetermina ang final standings.

Parehong may twice-to-beat advantage na ang Red Lions at Knights pero mahalaga pa rin ang kanilang kalalagyan sa pagtatapos ng elimination round dahil ang No. 1 team ang kalaro ng No. 4 team at ang No. 2 kontra sa No. 3 sa crossover semifinals.

Tinalo ng Red Lions ang Chiefs sa unang pagkikita, 67-54, pero lalaban ang Arellano para gawing disente ang pamamaalam sa liga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending