Kim never na-imagine na magiging BFF si Angelica: 'Sa buhay kailangan mo ng kaibigang totoo...wala nang pabulaklak, basta yun na yun!' | Bandera

Kim never na-imagine na magiging BFF si Angelica: ‘Sa buhay kailangan mo ng kaibigang totoo…wala nang pabulaklak, basta yun na yun!’

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Kim never na-imagine na magiging BFF si Angelica: ‘Sa buhay kailangan mo ng kaibigang totoo…wala nang pabulaklak, basta yun na yun!’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 03:59 PM

PINUSUAN at umani ng sandamakmak na likes ang birthday greeting ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu para sa kaibigan niyang si Angelica Panganiban.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Kim ang kanyang mensahe sa kaibigan niyang celebrity mom na pahinga muna sa showbiz para mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang sariling pamilya.

Nag-post ang girlfriend ni Xian Lim sa IG ng mga litrato nila ni Angelica kung saan kasama rin ang isa pa nilang BFF na si Bela Padilla na kuha sa ilang bonding moments nila noon.

Ang caption na inilagay ni Kim sa ibinandera niyang mga litrato, “Happy birthday, momsy @iamangelicap. never ko na imagine na magiging kaibigan ko ang isang Angelica Panganiban.

“Thank you for being a great friend to me, napaguspan nga natin kahapon, without even saying alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Baka Bet Mo: BFF ni Claudine na si Janelle Jamer bumanat sa bashers: Wag maging mapanghusga na akala n’yo ang pe-perfect n’yo

“Thank you, moms for always being there for me and sa buhay kailangan mo ng kaibigan na totoo sayo wala nang pabulaklak basta yun na yun!” mensahe ng dalaga para sa kaarawan ng kanyang BFF.

Naniniwala rin si Kim na kahit hindi na sila gaanong nagkikita nang madalas ni Angelica ay palagi lamang silang nandiyan para sa isa’t isa at hindi rin nababawasan ang kanilang pagmamahalan.

“We may not see each other often, pero thank you dahil alm ko lagi kang anjan para sakin. Swerte ako na may kaibigan ako tulad mo and momsy @bela.

“I love you so much momsy! Super happy ako sa nangyayari sa life mo! Deserve mo lahat ng meron ka ngayon. Excited na ako sa susunod na mga buwan para sayo! Looking forward ng malala!!!

“Happy birthday, moms! More happiness, more blessings, more bondingssz, and shempre good health! love you sooo sooo much! Thank you @gregg_homan and bean for making my momsy COMPLETE!” ang kabuuang message ni Kim sa kaibigan.

Sinagot naman ni Angge ang pa-tribute sa kanya ni Kimmie, “Akala ko nasa ibang bansa tayo kagabi. Akala mo din wala akong anak. Yhank you momsy. Looove you forever!!” Na ang tinutukoy ay ang naganap na birthday celebration niya kamakailan.

Narito naman ang ilan sa mga nabasa naming comments mula sa netizens.

“Wow! Ang galing nman ng pa-tribute birthday message for a special friend! Happy Birthday Angge! Priceless talaga if you have a special friend, indeed! Toast to Angbeki friendship! So inspiring!”

“Happy birthday @iamangelicap … mbtc.. deserve mo lahat ng best meron ka.. thank u kasi bukod sa fam ni @chinitaprincess ikaw at @bela ang constant sa buhay ni kimmy. God bless u all.”

“Happy birthday momsie @iamangelicap same po pala tayo ng birthday, godbless po. Stay healthy po and you’re baby.”

“Happy happy bday Miss beautiful angelica @iamangelicap more bdays to celebrate may all your hearts desires be grabted God bless.”

“So happy for your friendship with Bella and Angelica.”

“We know nothing about your life now. One line in your post says a lot. As someone who’s been through a lot, pls allow me to share a few things about life.

1. Love and staying in a relationship is a decision. 2. If you are in an uncontrollable situation now, remember that “the uncontrollable” situation will always happen, regardless of time and who you’re with. God is the only one who can guide you on what to do. Whatever your decision will be, embrace it and never look back.”

“Praying that everything will turn out okay for you. God bless!”

Related Chika:

Julia Barretto hindi kayang maging BFF ang ex-dyowa: ‘Respeto na lang sa current partner mo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea, Heart naging instant BFF: ‘We just clicked, I love spending time with her’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending