Pero sa kasamaang-palad, wala raw siyang kahit isang eksena sa movie na nakaharap niya up close and personal ang nag-iisang Star for All Seasons.
Kuwento ni Gabby sa mediacon ng “When I Met You In Tokyo”, napanood daw siya noon sa pelikulang “Pakawalan Mo Ako” taong 1981 na pinagbidahan din nina Vilma Santos, Christopher de Leon, at Anthony Castelo, mula sa direksiyon ni Elwood Perez.
“Three years old pa lang ako noon. I was the baby there,” ang pagbabahagi ni Gabby sa media. “Kinikilabutan ako, o! Anyway, kung tatanungin n’yo ako kung ano ang experience ko na makatrabaho sila, nakaka-frustrate.
“Kasi kami, dapat ang title nung sa amin, When I Met You In Manila. Sila lang yung nag-Tokyo. OK, ito, para clear, kumustang kaeksena si Ate Vi? Kaeksena ko siya via Facetime, pero hindi ko siya nakakausap.
“Kasi siyempre, alangan namang magtawagan kami? So, isang eksena, kunyari magkausap kami, ang hirap! Parang pinatikim lang ako ng experience!” ang natawang rebelasyon ng aktor.
“Kasi, wala akong maalala nu’ng three years old ako, e. So, opportunity sana na makaeksena ko si Ate Vi dito sa movie. Of course, si Tito Boyet, nakatrabaho ko na.
“Si Ate Vi talaga, it’s always been a dream to experience. I mean, kahit sino namang artista, pero kapag kasama mo si Ate Vi, na thinking, growing up, when I was, yun nga, baby ako.
“I did a movie. Yun ang sabi ng daddy ko sa akin. But now, yun na nga, na-experience ko to do a movie, When I Met You In Tokyo pero hindi pa rin kami nagkaeksena!” chika pa ng Kapuso star.
Samantala, yes agad ang sagot ni Gabby nang tawagan siya ng isa sa mga producer ng pelikula na si Redgie Magno, “Nu’ng nilatag yung ano, alam mo, wala namang isip-isip, Ate Vi and Tito Boyet yan.
“It’s always been an honor to work with great actors. Kasi, pag pinagsama-sama natin kung ilang taon sila sa industriya, hindi mo talaga sila maaabutan at mahahabol. But you’ll learn a lot from them. And I’m very honored!” sabi pa ni Gabby.
Isa pa sa nanghihinayang sa cast members ng “When I Met You In Tokyo” ay si Cassy Legaspi dahil kabilang din siya sa Team Manila na hindi nabigyan ng chance na makasama sa mga eksena si Ate Vi na kinunan sa Japan.
Pagbabalik-tanaw naman ni Ate Vi, naging anak niya ang nanay ni Cassy na si Carmina Villarroel sa pelikulang “Kapag Langit Ang Humatol” (1990) na idinirek ni Laurice Guillen kasama si Richard Gomez.
Showing na ang “When I Met You In Tokyo” sa December 25 bilang bahagi ng MMFF 2023.