Rendon bumanat sa nagsabing mag-utol sila ni Ricci: ‘Hindi OK yang ganyang biro…naglalaba ako ng mga damit ko!’

Rendon bumanat sa nagsabing mag-utol sila ni Ricci: 'Hindi OK yang ganyang biro...naglalaba ako ng mga damit ko!'

Ricci Rivero at Rendon Labador

ASAR-TALO na naman ang kontrobersyal na aktor at basketball player na si Ricci Rivero sa social media personality na si Rendon Labador.

Sinagot kasi ni Rendon ang isang post sa Facebook na nagsasabing magkapatid daw talaga sila ni Ricci sa totoong buhay dahil sa pagiging “Marites.”

Ang buong nakasaad sa FB status ng netizen, “MAGKAPATID PO TALAGA SI Ricci Rivero AT si Rendon Labador! PAREHONG CHISMOSA HAHAHAHA!”

Ni-repost naman ito ng motivational speaker sa kanyang FB page kasabay ng mariing pagtanggi na utol niya ang ex-boyfriend ni Andrea Brillantes.

Sey ni Rendon, hindi raw magandang biro ang sinabi ng netizen tungkol sa kanilang dalawa ni Ricci dahil napakalaki raw ng kaibahan nila ng cager na patuloy na tinatawag ng mga basher ng “cheater” at “manloloko.”


Hirit ni Rendon, “Hindi okay yang ganyang biro, naglalaba ako ng mga damit ko!!! #LabLabLabador.

“Hindi ako nakikipagbiruan sa mga labada!” aniya pa na ang tinutukoy ay ang rebelasyon ni Andrea na hindi umano nagpa-laundry nang isang taon ang binata noong magdyowa pa sila.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

Matatandaang noong kasagsagan ng isyu hinggil sa hiwalayan nina Ricci at Andrea, isa si Rendon sa mga kumampi sa binata pero nang malaman nito ang tungkol sa hindi pagpapalaba ng binata nang isang taon ay nandiri rin siya.

“Kinampihan pa naman kita bro sa #CareerMunaBagoLandi. Akala ko matindi ka talaga. ‘Yun pala puro ka porma. Dugyot ka na, palamunin ka pa!” ang hirit ni Rendon noon kay Ricci.

Bukod pa rito, sinabi rin ng motivational speaker na isa raw kahihiyan sa kanilang mga lalaki si Ricci.

Humirit rin si Rendon kay Andrea kung bakit sa dami ng naibigay nito kay Ricci ay hindi man lang nito naisip na magregalo o magbigay ng washing machine.

“Sa dami ng binigay ni Andrea kay Ricci, nakalimutan niya pang magbigay ng washing machine?” sey ni Rendon.

Read more...