SIMPLE lang ang hiling ng Kapuso actress at first time mom na si Kris Bernal ngayong Pasko.
Ayon sa kanya, magiging masaya na siya kung magkakaroon siya ng pagkakataong makatulog ng ilang oras.
“Ang wish ko ngayong Pasko ay makatulog nang mahigit 2 hours [red heart emoji],” sey niya sa Instagram post.
Dagdag pa niya, “Soooobrang nakaka-happy ‘yun! [[single tear emoji]”
Mukhang lagi nang napupuyat si Kris mula nang isinilang niya ang first baby nila ng mister na si Perry Choi.
Kasabay kasi ng caption ang kwelang video na may tanong na, “When is the last time you got a full night sleep?” habang ipinapakita ang itsura ng isang matanda na antok na antok.
Baka Bet Mo: Lolit Solis hiling na mabigyan ng chance si Paolo na makita ang anak: Isa siyang responsableng ama
Noong Setyembre lamang nang huling ibinandera ni Kris ang sakripisyo at paghihirap na pinagdadaanan niya ngayong isa na siyang ina.
Tulad din ng mga naranasan ng mga first time moms, na-experience rin ng aktres ang magkaroon ng clogged milk ducts.
“I’m blessed with an oversupply of breast milk. But, didn’t expect the challenges it comes with,” wika niya sa nakaraang IG Stories.
Lahad pa niya, “My breasts are engorged, nipples are sore and hard. And because of those no milk is coming out, I am unable to nurse my baby.”
Matatandaang ikinasal sina Kris at Perry noong 2021 sa isang simbahan sa Makati City.
Isinilang ni Kris ang kanilang panganay na si Hailee Lucca nitong nagdaang August.
Sa pamamagitan ng YouTube vlog, ibinahagi ng Kapuso actress ang naging journey ng kanyang panganganak kung saan sumailalim siya sa cesarean section delivery.
Chika ni Kris, hindi agad nila ipinaalam ang pagkakapanganak kay Hailee dahil nais nilang sulitin ang mga unang araw kasama ang kanilang little sunshine.
Nag-open up rin ang aktres bilang mga bagong miyembro ng “#TeamNoSleep.”
Sey ni Kris, siya ang in-charge sa pagpapa-breastfeed habang si Perry naman ang bahala magpa-burp sa anak.
Ibinahagi rin ng aktres ang pinagmulan ng pangalan ng kanilang baby girl.
“‘Hailee Lucca’ inspired by the word ‘Hallelujah’ that means ‘Praise the Lord.’ My child is a manifestation of God’s divine love, and I am forever thankful for this blessing,” sambit ni Kris.
Pagpapatuloy pa niya, “Additionally, I had an odd, excessive fondness (Paglilihi) for NBA player, Luka Doncic, throughout my entire pregnancy, kaya bumagay din.”
Related Chika: