YAM CONCEPCION sinisisi sa hiwalayang LUIS-JENNYLYN
NA-SHOCK ang sexy actress at Dugong Buhay leading lady na si Yam Concepcion nang makarating sa kanya ang balitang siya ang sinisisi kung bakit naghiwalay sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado.
Nauna nang nagdenay si Luis na may may relasyon sila ni Yam, nagbiro pa nga ito sa huling panayam sa kanya, “Ako, nao-offend ako, kasi ang dami din nali-link sa ‘kin.
Inaantay ko lang talaga na ma-link sa ‘kin si Kate Beckinsale. Yun lang, yun lang sana inaantay ko. Please lang, pang Hollywood ‘tong mukha ko!”
Nang makachikahan namin si Yam sa press launch (ginanap sa The Roofdeck Bistro, Examiner Street, Quezon City) ng bagong men’s magazine, ang H4U (Hot For You) kung saan siya nga ang kauna-unahang cover girl, talagang hindi siya makapaniwala dahil unang-una, hindi nga niya madalas nakakasama si Luis.
“Nakakagulat, kasi bigla na lang akong na-involve sa nangyari kina Luis at Jennylyn. Bakit ako? Saan naman nangga-ling iyon, di ba?
“Nakakahiya naman pareho kina Luis at Jennylyn. Baka biglang may mang-away sa akin, wala naman akong kasalanan,” sey ni Yam na talaga namang agaw-eksena sa nasabing presscon dahil halos makita na ang kanyang boobs sa kanyang outfit.
Sey ni Yam, kilala daw niya si Luis, “May common friends pala kami. Kilala niya yung mga friends ko na member ng isang band na nakakasama ko. Tapos, nag-guest nga ako sa Minute To Win It, doon ko lang ulit nakita si Luis.
“Nag-usap-usap lang kami, kumustahan. At after ng guesting ko, yun na ‘yon. Hindi rin po totoo ‘yung balita na nagte-text kami. Tsaka yung guesting ko sa show niya, ang tagal na noon.
Kaya nakakagulat naman na ako ang sinisisi,” pahayag pa ng sexy actress. Dagdag ni Yam, “Never ko pang na-meet si Jennylyn in person.
Kaya nakakahiya nga, kasi hindi ko pa man kilala yung tao, may intriga na pala sa amin. I’m sure nagtataka rin silang dalawa kung bakit nadadamay ako.”
Naitanong din namin kay Yam kung magdyowa na sila ng leading man niya sa Dugong Buhay na si Ejay Falcon, hindi raw, hindi nga niya alam kung nanliligaw ang aktor sa kanya. Single and available raw siya ngayon.
“Four years na akong walang boyfriend, ewan ko, wala rin akong manliligaw. Maybe, nase-sense nila na wala pa akong interes na magkaroon ng serious relationship kasi talagang gusto ko munang mag-focus sa trabaho ko.
Para sa akin, may perfect time talaga para diyan” Samantala, nata-touch naman si Yam sa mga taong humahanga sa kanya bilang artista, napakarami raw kasing pumupuri sa akting niya sa katatapos lang na Dugong Buhay, “Nalaman ko rin na maraming nanonood ng mga TFC subscibers sa US.
Alam mo ‘yun, kahit na alam nila kung saan ako nag-start (bold movie na Rigodon), nagtiwala pa rin sa akin, lalo na ang ABS-CBN.”
Anyway, napaka-erotic ng mga litrato ni Yam sa H4U magazine, pero may class pa rin at hindi matatawag na bastos.
“Inalagaan naman nila ako sa pictorial at maganda ang theme at concept ng magazine kaya napapayag nila ako, aside from the fact na ako ang first cover girl nila kaya go!” chika ni Yam.
Ang dating editor-in-chief ng FHM at Maxim Philippines na si Eric Ramos ang nasa likod ng bagong magazine na ito na aniya’y, “Bolder, more creative and more adventurous in its pictorials and articles.” At totoong-totoo dahil grabe ang pictorial ng ibang models sa premiere issue ng H4U – as in wala nang itinago! Buyangyang kung buyangyang.
Tiyak na mababaliw at magpipiyesta ang mga kalalakihan, pati na rin ang mga tibo kapag binulatlat nila ang magazine na ito, promise! By the way, ang H4U ay isa lamang sa tatlong publications ng Fawkes Group Publishing, along with the songbook My Tunes at ang pet magazine na Posh Pawz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.