LIST: Nominasyon sa 46th Gawad Urian; JLC, Baron , Nadine lalaban sa top acting awards

LIST: Nominasyon sa 46th Gawad Urian; John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Nadine Lustre lalaban sa top acting awards
John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Nadine Lustre

KABILANG sa mga nominado sa 46th edition ng Gawad Urian ay ang bigating mga artista na sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler at Nadine Lustre.

Ayon sa anunsyo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng Facebook page, kakasa ang tatlo para sa “Best Actor” at Best Actress” awards na magaganap sa UP Film Institute sa darating na November 29.

Nakuha nina Lloydie at Baron ang nasabing nominasyon para sa mahusay nilang pagganap sa “Kapag Wala nang Mga Alon” at “Doll House,” respectively.

Ang mga makakalaban nila sa “Best Actor”category ay sina Tommy Alejandrino (“The Baseball Player”), Andrew Ramsey (“Ginhawa”) at Noel Trinidad (“Family Matters”).

Baka Bet Mo: Yen Santos waging best actress sa Gawad Urian, may message kay Paolo Contis

Si Nadine naman ay nominated dahil sa kanyang role sa psychological thriller na “Deleter.”

Ang mga kasabayan naman niya para makuha ang “Best Actress” awards ay sina Max Eigenmann (“12 Weeks”), Chai Fonacier (“Nocebo”) at Shiela Francisco (“Leonor Will Never Die”).

Ang mga nominees naman para sa “Best Film” ay ang mga pelikulang “Blue Room,” “Leonor Will Never Die,” “12 Weeks” at “Kapag Wala nang Mga Alon.”

Habang ang kabilang sa mga pagpipilian para sa “Best Director” ay sina Lav Diaz (“Kapag Wala nang Mga Alon”) at Mikhail Red (“Deleter”).

Narito ang kumpletong listahan ng mga maglalab-laban sa bawat kategorya ng nasabing award-giving body:

BEST SOUND

BEST MUSIC 

BEST PRODUCTION DESIGN

BEST EDITING

BEST CINEMATOGRAPHY

BEST SCREENPLAY

BEST ACTOR IN SUPPORTING ROLE

BEST ACTRESS IN SUPPORTING ROLE

BEST ACTOR

BEST ACTRESS

BEST DIRECTOR

BEST FILM

Natatanging Gawad Urian

Related Chika:

‘Pusong Bato’ composer Alon dela Rosa pumanaw na; tinanggihan daw ng mahigit 40 ospital

Aljur naloko na rin ng babae, iniyakan nang bonggang-bongga: ‘Maraming beses na, ang sakit, sobrang painful…a part of you dies’

Read more...