Dingdong dream come true ang pagiging miyembro ng Mowelfund Board of Trustees; tuloy ang pagtulong sa mga manggagawa sa showbiz

Dingdong dream come true ang pagiging miyembro ng Mowelfund Board of Trustees; tuloy ang pagtulong sa mga manggagawa sa showbiz

Boots Anson-Roa-Rodrigo

BILANG bahagi ng kanyang misyon na patuloy na makatulong sa mga nangangailangang manggagawa sa entertainment industry, nakipag-sanib pwersa na rin si Dingdong Dantes sa Mowelfund.

Bahagi na ng Board of Trustees ng Mowelfund ang Kapuso Primetime King na itinuturing din niyang isang dream come true bilang isang artistang nangangarap na mas mapagbuti pa ang Philippine showbiz.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinandera ng husband ni Marian Rivera ang bago niyang misyon para mas mabigyan pa ng tulong at inspirasyon at ma-push pa ang morale ng mga workers sa local entertainment industry.

Kalakip ang short video nang pagtanggap niya sa bagong tungkulin, nagpasalamat si Dingdong sa Mowelfund o Movie Workers’ Welfare Foundation, sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga taong bumubuo rito sa pangunguna ng chairperson nitong si Boots Anson-Roa-Rodrigo.

“In our quaint neighborhood of Cubao, right next to my sisters’ school, stands the Mowelfund institution.

“I was always intrigued by it as I used to walk my sisters to their classes from the late ‘80s to the early ‘90s. My curiosity about this place grew, and little did I know, it would become a significant chapter in my life’s story,” ang simulang mensahe ni Dong.

Baka Bet Mo: Ano ang ginagawa ni Chito para makatulong kay Neri sa pag-aalaga ng kanilang pamilya?

Pagpapatuloy pa niya, “I had always prayed for a chance where my passion could make a difference, where my deepest enthusiasm could intersect with meaningful purpose.

“As fate would have it, I found myself embracing that dream through Mowelfund — an institution with the primary goal of uplifting, empowering, and advancing the welfare of the men and women in front of and behind the movie and TV industry.


“I received an invitation to be part of their Board of Trustees, and saying yes to this was probably one of the easiest decisions I have had to make,” pagbabahagi pa ng TV host-actor.

Baka Bet Mo: Mga manggagawa sa Central Luzon may P40 na dagdag-sahod simula Oct. 16

At sa bagong role na kanyang gagampanan, “I am grateful that I now have the privilege to give back to the industry that has been a significant part of my life, and drawing from the wisdom acquired during my tenure at the Yespinoy foundation, I lend my expertise to support the dedicated individuals who bring magic to our screens.

“Joining forces with my esteemed fellow board members, whom I respect and admire, is exciting.

“Together, we are bound by a shared mission: to uplift and advance the welfare of the remarkable workers who breathe life into our beloved entertainment world.

“In the words of Frederick Buechner, ‘The place God calls you to is where your deep gladness and the world’s deep hunger meet,'” pahayag pa ni Dingdong Dantes.

Read more...