Herlene Budol tanggap na ang katotohanang produkto siya ng ‘gin-bilog’ hindi ng love-making: ‘Nabuo lang ako dahil sa alak’

Herlene Budol tanggap nang produkto siya ng 'gin-bilog' hindi ng love-making: 'Nabuo lang ako dahil sa alak'

Herlene Budol

MANHID na manhid na ang Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol tungkol sa mga isyu ng pagkakaroon ng “broken family“.

Sa halip na manega at maapektuhan nang bonggang-bongga, mas minabuti ng dalaga na pagtuunan ng pansin ang mga positibo at kapaki-pakinabang na bagay sa kanyang buhay.

Tanggap na rin ni Herlene na nakilala rin bilang Hipon Girl ang katotonanang hindi siya nabuo nang dahil sa pagmamahalan ng kanyang mga magulang kundi sa pamamagitan ng “alak” at kalasingan.

Sa napanood naming episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” nagkuwento si Herlene tungkol sa pagiging produkto  ng broken family matapos magdesisyon ang kanyang parents na magkanya-kanya na ng landas.


“Feeling ko naman talagang hindi sila para sa isa’t isa. Kasi na-‘gin bilog’ lang daw ‘yung Mama ko dati, kumbaga nabuo lang ako dahil sa alak,” ang pag-amin ng Kapuso star.

“Tinray naman nilang magsama kaso hindi na talaga (magkasundo),” sabi pa ni Herlene.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ibang-iba kay Awra Briguela, sey ni Cristy Fermin: ‘Alam niyang ilagay ang alak sa tiyan, hindi sa ulo’

Ngunit proud naman siya sa pagsasabing, “Hindi ako nabuo sa ‘make love,’ pero naging love naman talaga ‘yung bunga, ito (sabay turn sa sarili). Manhid na manhid na ho ako para sa broken family naming issues.”

Sey pa ng aktres, mas naging okay pa nga raw ang pagsasama nilang pamilya noong maging magkaibigan na lang ang kanyang nanay at tatay.

“Kapag naging magdyowa ‘yan, naku, nililipad na naman ng mga kaldero,” ang chika pa ng lead star ng Kapuso afternoon series na “Magandang Dilag.”

Samantala, nang tumungtong siya sa edad na 15, siya na rin ang nagpaaral sa sarili – mula high school hanggang college. Super proud si Herlene na nakamit din niya ang pinakaaasam na college diploma.


“Maraming salamat din po talaga roon sa mga teacher ko na umunawa sa akin na kapag pumapasok ako, lasing ako,” ang sabi pa ni Herlene.

Kasunod nito, naikuwento nga niya ang pagtatrabaho noon sa bar bilang waitress para maipagpatuloy niya ang pag-aaral. Pag-amin ng dalaga totoong may mga araw na pumapasok siya na may hangover hanggang sa makatulog na sa klase.

Baka Bet Mo: Kiray Celis sa mga laiterang bashers: Hindi naman ako magkakapera sa inyo so, bakit ko kayo papatulan!?

“Pumapasok din po ako sa bar, eh. Kapag po pumasok ako sa school, lasing ako. Minsan nakakatulog ako. Ayun po ‘yung mga panahon na umiinom ako ng alak na hindi ko naman gusto,” pagbabahagi ni Herlene na kumikita nang extra sa mga tip ng costumer.

Pero agad niyang nilinaw na hanggang pagwe-waitress lang ang ginagawa niya sa bar at walang extra service, “Nang-uuto po ako ng mga manginginom doon tapos sa-shot din ako tapos magti-tip din sa akin.”

Pag-amin pa ni Herlene, “Ang hirap po ng walang sariling pera. Na-realize ko na puwede naman akong kumita ng sarili ko dahil mukha naman po akong matured.”

Kaya sa dami ng natatanggap niyang blessings ngayon, talagang pinag-iingatan niya ang mga ito, “Ayokong gugutumin ko ‘yung sarili ko Ms. Jessica.

“Tapos na ako sa part na ginugutom ko ‘yung sarili ko noong elementary ako kasi tinitipid ko ‘yung pera ko para may maganda akong outfit sa Pasko,” ani Herlene.

Read more...