Pagpanaw ni Joey Paras ginagamit ng mga scammer para makapanloko; burol ng komedyante bubuksan sa publiko

Pagpanaw ni Joey Paras ginagamit ng mga scammer para makapanloko; burol ng komedyante bubuksan sa publiko

SIMULA bukas, November 2, maaari nang dumalaw sa burol ng namayapang komedyante na si Joey Paras ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta.

Nasa St. Peter Chapel Annex, New Bldg., Sct. Chuatoco Street corner Panay Avenue, Quezon City, ang labi ng magaling at beteranong komedyante.

Ito ang ibinahagi ng mga pamangkin ni Joey na sina Jassam Paras Sinchon at Zciara Shayne Sinchon-Fabian sa pamamagitan ng Facebook ngayong araw, November 1, All Saint’s Day.

Ang nakakalungkot nga lang ay may mga taong nagpapakalat ng mga pekeng balita tungkol sa pagkamatay ni Joey at sinasamantala pa ng mga scammer sa social media.

Baka Bet Mo: Joey Paras pumanaw na sa edad 45, pamilya nanawagan ng tulong pinansiyal

Narito ang nakasaad sa FB post ng mga pinsan ng komedyante, “Again, we would like to extend our deepest gratitude for the overwhelming support and appreciation for the kind words, caring thoughts, and prayers that we received from all of you.

“Any help would be highly appreciated. Please be aware that the channels sent to you by our immediate family are the only official accounts that we endorse for help in light of reports of misinformation spreading and scammers taking advantage of this situation

“May we request to include him in your prayers for the eternal repose of his soul,” ayon sa mga kapamilya ni Joey.

Nauna rito, nag-post din sina Jassam at Zciara sa kanilang FB page para ipaabot ang taos-puso nilang pasasalamat sa lahat ng nagbigay sa kanila ng tulong pinansiyal.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagpaabot ng donation sa amin. Malaki man o maliit sobra po kaming nagpapasalamat sa tulong.

“Yung iba pong nagsesend na lang bigla ng 50 pesos, 100 pesos na hindi ko na po mga kilala dahil hindi po nagmemessage maraming salamat po, malaking tulong po ito kay Tito Joey Paras.

“Sa ngayon po malaking halaga pa po ang kailangan ng aming pamilya, pambayad po sa Funeral Service ni Tito at iba pa gagastusin para maiburol na po si Tito Joey… Pasensiya na po sa mga hindi ko narereplyan.

“Sa mga gusto pong magpaabot ng tulong mag-PM lang po sa akin. Hindi na po ako magpopost ng gcash ko dito para iwas scam po. Maraming salamat and Godbless po,” sabi pa sa kanilang post.

Matatandaang sumakabilang-buhay si Joey sa edad na 45, nitong nagdaang October 29, Linggo.

Ilan sa mga proyektong ginawa ni Joey ay ang mga pelikulang “Last Supper No. 3” (2009), “Babagwa” (2013), “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki” (2013), “Working Beks” (2016), “Born Beautiful” (2019), at “Ayuda Babes” (2021).

 

Related Chika:
Joey Paras sumailalim sa angioplasty; kailangang magpapayat

Read more...