AMINADO ang aktres na si Jennica Garcia na hindi niya talaga planong pasukin noon ang mundo ng showbiz.
Sa kanyang naging panayam kay Luis Manzano na mapapanood sa YouTube channel ng huli, napag-usapan ng dalawa ang journey ng aktres mula sa pagiging aktres hanggang sa pagiging ina sa dalawang anak nila ni Alwyn Uytingco na sina Mori at Alessi.
Isa na nga sa naitanong ni Luis kay Jennica ay kung sino ang pangrap niyang makatrabahong artista at ang naging sagot nito ay si Jean Garcia.
Aware naman ang lahat na ang beteranang aktres na kanyang nabanggit ay ang sarili niyang ina.
“Medyo imposible ata ngayon kasi magkaiba kami ng network pero siyempre, si mama,” pagbabahagi ni Jennica.
Bagamat nagkatrabaho na sila pero matagal na raw itong nangyari kaya nais niyang masundan kung may pagkakataon.
Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN
‘Yung napagtrabahuan kasi namin before kuya, together, sobrang tagal na. I think I was 18 years old at that time. Tapos hindi ako ganun ka-passionate about being an actor,” lahad ni Jennica.
Nagkatrabaho ang dalawa sa GMA drama series na “Ina, Kasusuklaman Ba Kita?” na ipinalabas noong 2010.
Chika pa ni Jennica, “‘Yung pag-aartista kasi Kuya, ginawa ko lang noong nalaman ko ‘yung sweldo.”
Natawa naman si Luis sa tinuran ng co-host sa “It’s Your Lucky Day” pero sinang-ayunan rin niya ito.
Kuwento ni Jennica, hindi niya talaga alam kung anong kukunin niyang kurso sa kolehiyo.
“Gusto ko sanang mag-Nursing pero ayaw ni Mama. Parang sabi ni Mama, ‘Anak kasi, mababa ang sweldo ng nurse’… at ayaw ni Mama ‘yung idea na lilipad ako kaya noong nalaman din ni Mama.
“Nung time na ‘yun, sabi ko, ‘Paano yan? Hindi ko alam kung anong course na gusto ko? Doon niya po sinabi sa akin na ‘O may offer ka na ganito. Mag-artista ka.’ Tapos tinatawanan ko lang Kuya kasi hindi ko ma-imagine na pwede akong mag-artista pero noong sinabi ni Mama ‘yung sweldo, ‘Ahh, pwede kong i-try’,” kuwento ni Jennica.
Aniya, noon raw ay subok lang daw pero nito niya lang na-realize na passion niya ang pag-arte nang maghiwalay sila ng asawa.
Related Chika:
Jennica Garcia matinding hirap ang hinaharap bilang single mother: ‘Dumating sa point na naka-schedule sa doktor kung kailan ako iiyak’