Rita Gaviola naiyak sa bashers, sinabihang mamalimos na lang: Alam n'yo ba pinagdadaanan ko? | Bandera

Rita Gaviola naiyak sa bashers, sinabihang mamalimos na lang: Alam n’yo ba pinagdadaanan ko?

Therese Arceo - October 31, 2023 - 05:31 PM

Rita Gaviola naiyak sa bashers, sinabihang mamalimos na lang: Alam n'yo ba pinagdadaanan ko?

HINDI napigilan ng dating “Pinoy Big Brother” housemate at social media personality na si Rita Gaviola ang mangilid ang luha dahil sa mga masasakit na salitang ibinato sa kanya ng mga bashers.

May ilang netizens kasi ang nanglait sa kanya habang nagsasawa ng live selling sa TikTok.

Sinabihan kasi si Rita ng mga ito na huwag na lang magtinda at bumalik na lang sa pamamalimos dahil isa naman siyang Badjao.

May mga nakakapansin kasi na tila may attitude ang social media personality at sinusungitan nito ang mga nanonood.

Sagot ni Rita, “Nilalait n’yo ko na babalik ako sa pamamalimos, dun na lang? Kahit bumalik ako sa pamamalimos ko, proud ako, naghirap ako. Dumaan ako sa mga ganoong proseso. Di ba?”

Nilinaw rin niya na hindi siya maarte at may iniinda siyang sakit habang nagla-live.

Baka Bet Mo: Badjao Girl Rita Gaviola nakapagtapos na ng senior high, nag-thank you sa dyowa’t anak: ‘Kayo yung dahilan kung bakit ko ginagalingan sa lahat ng bagay’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

“Sasabihin n’yo sa akin, bumalik ako sa pamamalimos ko? Bakit alam n’yo ba ‘yung pinagdadaanan ko? Sinasabi ko sa inyo, lait-laitin n’yo ko sa pagiging Badjao ko, proud ako!” giit pa ni Rita.

Sinabi rin niyang masyadong judgmental ang ilang netizens at huwag na lang manood sa kanyang live.

“Kayo ‘yung umalis kasi live ko to! Huwag kayong masyadong judgemental. Sasabihin n’yo bumalik ako sa pamamalimos dahil Badjao naman ako? Hindi ako nahihiya na naging Badjao ako. Mas lalo akong proud. Kaya walang umaangat na Pilipino dito e,” dagdag pa ni Rita.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa dating “Pinoy Big Brother” teen housemate.

“Bakit bina-bash e may work naman sila sa BGC at nagla-live selling? Nagsusumikap di Rita wag nyo naman i-bash,” sabi ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Awang-awa ako kagabi sa kanta grab ‘yung mga comment akala mo hindi nakakaranas ng hirap sa buhay. Basta na lang makapanghusga ng kapwa. Si Lord na bahala.”

Related Chika:
Badjao Girl Rita Gaviola walang breast cancer: Hindi na ako magwo-worry, matututukan ko na ang baby ko

Badjao Girl Rita Gaviola inaming may cyst sa dibdib, Karen Davila sasagutin ang pagpapa-check up

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending