Dimples Romana tinanggap ang hamon bilang bagong host ng ‘Gud Morning Kapatid’ ng TV5: ‘Malaking challenge ito sa ‘kin’

Dimples Romana tinanggap ang hamon bilang bagong host ng 'Gud Morning Kapatid' ng TV5: 'Malaking challenge ito sa 'kin'

Dimples Romana kasama ang iba pang hosts ng ‘Gud Morning Kapatid’

SIGURADONG mas magiging exciting at kaabang-abang ang bawat episode ng  “Gud Morning Kapatid” sa TV5 sa pagdating ni Dimples Romana sa programa.

Si Dimples ang karagdagang miyembro ng tropa ng “Gud Morning Kapatid” na maghahatid ng mga karagdagang impormasyon at bagong paandar sa segment na “May Bahay”.

Kasama ang kanyang makasaysayang “pulang maleta” mula sa hit series na “Kadenang Ginto”, makikipagkulitan at makiki-share ng kanyang mga kaalaman si Dimples sa iba pa hosts ng show na sina veteran news anchorwoman Chiqui Roa Puno, Jes Delos Santos, Maoui David at Justine Quirino.

Pahayag ni Dimples sa naganap na presscon ng “Gud Morning Kapatid”,  “Malaking challenge at pagpapalawak ng kaalaman ko ang pagho-hosting. Masaya ako na nagampanang mabuti ang pagiging isa sa mga host ng Gud Morning Kapatid.”

Baka Bet Mo: Matteo na-touch sa napakainit na pag-welcome sa kanya ng ‘Unang Hirit’ family: ‘Napakatindi at iba talaga!’

Sa “May Bahay” portion ni Dimples, tatalakayin ang practical tips sa pagpapaganda ng bahay na sakto sa budget. May “Parenting Tips” din si Dimples na magbibigay payo sa mga magulang.

“Bukod sa naghahanap ka ng panibagong gagawin sa umaga to make you want to live more, kasi I think the daily struggle of a person outside is how to padayon, continue on, lalo na after the pandemic when everyone is still building, rebuilding, learning and unlearning.

“Para sa akin ang consideration is may 3 akong anak, nagteteleserye rin ako, so this is not to stop me from doing other things.


“Pero nu’ng nakita how they work together, how nice the camaraderie and so natural, naisip ko gusto kong maging parte nila. And that means gusto ng mga taong nanonood sa kanila to be part of that as well. E b akin ako magpapahuli? Kung gusto nila ng kulit, pakitaan ko ng kulit,” anang aktres.

Baka Bet Mo: Iya umaming mas hirap ipagbuntis ang ika-4 na baby: Grabe yung morning sickness ko ngayon

Dagdag pa ni Dimples, “Feeling ko ang common denominator nila ay lahat sila ay very open to hear and to listen. Pansin ko yung banter nila hindi nagkakasapaw-sapaw. Napaka importante kasi ang dami. So may respeto.”

Samantala, si Maoui na kasabayan noon ni Glaiza de Castro sa ABS-CBN, ay masayang nakapasa sa audition para maging host ng “Gud Morning Kapatid.”

Magbibigay energy naman sa show ang single at available na si Justine. Super busy rin siya as live streamer sa Facebook at iba pang social media.

Aminado naman si Chiqui na siya ang pinakabeterana sa mga kasamahan niyang hosts ng show kaya bitbit niya ang mga kaalaman mula sa kanyang long experience sa field ng broadcasting.

Si Jes naman ang magdadala ng bagong mga balita sa umaga sa show. Very energetic din sa hosting kaya popular sa viewers ngayon.

Napapanood ang “Gud Morning, Kapatid” Monday hanggang Friday, 9 a.m. sa TV5.

Read more...