#KayoNaTalaga: ‘Seventeen’ first-ever K-Pop artist na inimbitahan sa UNESCO

‘Seventeen’ ang first-ever K-Pop artist na inimbitahan sa UNESCO

PHOTO: Facebook/SEVENTEEN

MAY bagong milestone ang K-Pop boy group na Seventeen!

Sila kasi ang kauna-unahang Korean artist na naimbitahan para magbigay ng talumpati at magtanghal sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) headquarters.

“Seventeen will take the stage at the 13th UNESCO Youth Forum at 7 p.m., local time, on Nov. 14,” saad sa inilabas na pahayag ng talent agency na banda na Pledis Entertainment.

Dagdag pa, “They will be assigned a special session and give a speech and perform for about an hour.”

Baka Bet Mo: Anne Curtis ‘mission accomplished’ sa Tokyo Marathon: Every single kilometer was worth it!

Ang Youth Forum ay isang mahalagang kaganapan sa biennial UNESCO General Conference.

Ang programa ay naglalayong bigyan ang mga kabataan ng puwang upang makisali sa talakayan at debate.

At para na rin makasali sa pagbibigay ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng mundo.

“This goes to show that Seventeen has come to play a key role in the global community who represents not just its fans, but its fellow youth generation,” lahad pa ng nasabing ahensya.

Ayon pa sa Pledis Entertainment, ang mensahe na ihahayag ng 13-piece multinational band ay tungkol sa, “solidarity between the global youths and education will bring the change to the future of the youth generation and the world.”

Maliban pa riyan ay plano ring mag-share ang bawat miyembro ng grupo ng kanilang ideya pagdating sa sustainable development na mula sa kanilang personal na mga karanasan.

Matatandaang taong 2015 nang mag-debut ang grupo.

Karaniwan sa mga inilalabas nilang musika ay inspirational song na tungkol sa pagharap sa mga problema sa buhay.

Dahil sa mga mensahe na idinadaan nila sa kanta, sila ang isa sa mga biggest K-Pop groups na kinikilala sa iba’t-ibang bansa.

Ang kanilang latest album ay ang “Seventeenth Heaven” na nakapagbenta na ng mahigit 4 million copies sa loob lamang ng isang linggo.

Related Chika:

Karla Estrada super thankful na graduate na ng BS in Office Administration: ‘Natupad din ang pangarap ko!’

Read more...