Bea Alonzo, Dominic Roque excited nang maging mommy at daddy: 'Feeling ko kabado kami pareho sa budget! Charot lang!' | Bandera

Bea Alonzo, Dominic Roque excited nang maging mommy at daddy: ‘Feeling ko kabado kami pareho sa budget! Charot lang!’

Ervin Santiago |October 30,2023
facebook
share this

Bea Alonzo, Dominic Roque excited nang maging mommy at daddy: ‘Feeling ko kabado kami pareho sa budget! Charot lang!’

Ervin Santiago - October 30, 2023 - 08:50 AM

Bea Alonzo, Dominic Roque excited nang maging mommy at daddy: 'Feeling ko kabado kami pareho sa budget! Charot lang!'

Bea Alonzo at Dominic Roque

SUPER excited na ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque na magsama bilang mag-asawa at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Sa pakikipagchikahan uli ni Bea kay Boy Abunda sa “Fast Talk” kamakailan, napag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal at pagkakaroon nila ng anak ng kanyang fiancé.

Ayon sa Kapuso actress, mas ninenerbiyos daw si Dom kesa kanya kapag ang topic ay ang pagiging mommy at daddy nila in the future.

“I guess doon sa whole thing, not in a sense na kabado siya magpamilya. He would always tell me he is very excited to have a family with me and have kids,” pagbabahagi ng dalaga.

Aniya pa, “Actually mas excited kami to have kids together. It’s just that I guess kinakabahan siya siyempre doon sa sunod-sunod na mga parties.

“He has never thrown a really big party before so I guess mas kabado siya roon,” sabi pa ni Bea.

Pambubuking pa niya sa kanyang future husband, “Feeling ko kabado kami pareho sa budget. Charot lang!”
Nang hingan siya ni Tito Boy kung ano ang ipinagdarasal niya sa magiging wedding nila ni Dominic at kapag nagsasama na sila bilang mag-asawa, “Sana manatiling nasa center ng relationship namin si Lord to guide us.

Baka Bet Mo: Enchong marunong nang magtipid at mag-budget, nabili ang mga kailangan sa bahay sa halagang ₱625: May bonus pang dessert!

“And sana sa next chapter na papasukin namin mas lumalim ‘yung pagkakaintindihan namin at pagmamahalan namin sa isa’t isa,” tugon ni Bea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy pa niya, “I hope that I become a good example to my children one day and I hope that I get to raise God-fearing and really good kids with good values.”

Last July 19, ibinandera nina Bea at Dominic sa buong universe ang kanilang  engagement. Next year nila balak magpakasal.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque

Nauna rito, inamin ni Bea na wala pala talaga silang balak ni Dominic na ibandera agad sa publiko ang kanilang madamdaming engagement.

Aniya, nais muna sana nila ng kanyang fiancé na namnamin ang isa sa pinakamahalagang eksena sa kanilang buhay as a couple.

Ngunit dahil kumalat na nga sa social media ang mga litrato sa pagpo-propose ni Dominic at napilitan na rin silang i-announce ito.

“Sa totoo lang dapat hindi talaga namin muna ia-announce. We wanted to savor it na kami muna, na kahit one month na kami lang ang nakakaalam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We wanted to keep it a secret na may kinakikiligan kami na kaming dalawa lang. But then may nag-leak kasi na photos from the venue. And so we had to release the pictures, we had to announce right away.

“Kasi parang unfair naman kung sa ibang tao manggagaling ang announcement, so naunahan na namin,” sabi pa ni Bea.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending