Isa kami sa mga nakasaksi sa historical reunion concert ng dating mag-asawa na ginanap sa SM MOA Arena sa Pasay City last Friday, kung saan nagkaroon nga ng special participation ang kanilang nag-iisang anak.
Makalipas ang ilang dekada, muli ngang nagkasama sina Mega, Gabby at KC kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga supporters na naka-witness ng kanilang madamdaming reunion.
Sabi ni Ate Shawie, “I have a song for KC, you (Gabby) have a song for KC. Usually this song is a love song for weddings, for someone you love. Tonight, I will sing it for my eldest daughter. I have four children. I do not have three. I have four.
“The first child to come and make me feel like a mother was this not-so-little girl beside me. She made my life complete. And if there’s anything that I regret…” ang sabi ni Mega habang nakatitig kay KC.
Hirit naman agad ng dalaga sa pagiging emosyonal ng kanyang nanay sabay lingon din kay Gabby, “Tigilan n’yo yan.”
Sagot naman ni Sharon, “Sorry, we couldn’t give you that complete family. But you have two families that love you. But Papa and I we never stopped loving you. You were never the problem.”
Kasunod nito, nagsabihan naman ng “I love you” and mag-ina. Hirit na tanong naman ni Gabby, “Okay na kayo ha? Alam n’yo ho, makita ko lang silang okay, okay na ako. I’m happy.”
“Mag-iintertwine na nga ang daliri niyo, Pa, Ma,” ani KC.
Kumuha naman ng tissue si Gabby at pinunasan ang luha ni Mega kaya sigawan at palakpakan ang audience. Nag-thank you naman sj Sharon sa ginawa ng dating asawa.
Sabay hirit naman ni KC ng, “Grabe para naman akong nasa isang panaginip.”
Kinanta nina Sharon at KC ang “Ikaw” habang kasama pa rin nila si Gabby on stage. Sa kalagitnaan ng kanta ay hindi na napigilan ng aktres at singer ang maiyak.
Talagang humagulgol si Mega sabay yakap sa kanyang panganay. Biro naman ni KC, “Teka lang, moment ko ito. My gosh! Ang sarap niyong makita together sa isang stage.”
Nalapitan ni KC si Gabby at niyakap at sabay na lumapit kay Mega. Nang matapos ang kanta muling nag-hug ang mag-ina. Nag-dialogue si Sharon sa kanyang ex-husband ng, “Sumali ka na nga dito. Ginawa natin ito, e.”
Sa mga hindi pa aware, ang “Dear Heart” ang 1981 blockbuster film nina Sharon at Gabby kung saan nagsimula ang kanilang love story.
Ikinasal sila noong September 23, 1984 at biniyayaan nga ng isang anak, na pinangalanan nila ng Kristina Cassandra Cuneta Concepcion, o KC. Napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 1993.